Isang matandang lalaki ang natagpuan ng isang doktor na naglalakad sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEx. Ang doktor ay si Sherwi...
Dahil sa tigil-transportasyon ay napilitan umano si lolo na lakarin ang Pampanga patungong Quezon City para puntahan ang kapatid at humingi ng tulong rito. Matatandaan na buhat na pumasok sa ating bansa ang pand3mya ay marami sa ating mga kababayan ang humihingi na ng tulong dahil wala na sila makain at ang iba pa sa kanila ay nawalan ng hanapbuhay.
Dahil dito, napagdesisyunan ni Doc Enriquez na ihatid si Lolo at makalipas lamang umano ng limang minuto na nakasakay si Lolo sa sasakyan ay nakatulog na agad ito marahil ay dahil sa pagod na kanyang nararamdaman dahil sa paglalakad ng dalawang araw sa daan.
Narito ang kabuuang post ni Doc Enriquez:
"Decided to give him a ride and five minutes later he was already sleeping. Sige lang, ‘tay! Kuha ka muna ng konting lakas, medyo mahaba pa ung laban ntin!"