Tunghayan,Naging Makeover Ng isang "Homeless" Na Kamakailan Ay Nagtrending Sa Social Media Dahil Sa Pagkanta Nito Ng "Just Once".

Viral ngayon sa social media ang video ng isang homeless na kinilalang si Jun Empalmado ito ay dahil sa napakahusay nitong pagkant...





Viral ngayon sa social media ang video ng isang homeless na kinilalang si Jun Empalmado ito ay dahil sa napakahusay nitong pagkanta na nagpabilib sa mga netizen at ang kanyang kinanta ay ang awiting "Just Once" ni James Ingram,dito na nga siya nakilala ni Rey Bayagusa na isang businessman at vlogger na lumapit sa kanya upang siya ay matulungan.



Kakaiba ang naging pagtulong ni Rey sa homeless na si Jun dahil hindi lamang niya ito binigyan ng makakain kundi pinaliguan rin niya ito at pinagupitan, Maliban pa sa mga ito ay binilhan niya rin ito ng mga bagong damit.






Makikita ang naging malaking pagbabago sa pisikal na hitsura ng nag-viral na homeless man dahil noong Ika-23 ng Setyembre taon kasalukuyan ay ini-upload ni Rey sa kanyang Youtube channel ang ginawang makeover kay Jun.



Noong namang ika-7 ng Oktubre ay nakausap ng PEP.ph si Rey sa pamamagitan ng Facebook Messenger at dito na niya ikinuwento ang naging pagtulong niya kay Jun at kung bakit niya ito tulungan.



Ayon kay Rey, nagkaroon siya ng interes kay Jun dahil kanyang napag-alaman na pareho sila ng simbahan nito sa Catarman, Northern Samar, at napabilib siya rito ng mapanood nga niya ang naging mahusay na pagkanta nito ng awiting “Just Once.”



Ayon kay Rey,“Dinala ko si Jun sa kaibigan kong may barber shop. Gupit saka ahit ang gagawin sa kanya. Yung kaibigan kong barbero, marunong ding mag-makeup nang konti.”



Dagdag pa niya,“Isa siyang dating mang-aawit. Talagang magaling siyang kumanta."



Ikaniya.“Nang malaman ko ang sitwasyon niya ngayon na homeless, isa iyon sa nagpaantig ng damdamin ko.”



Kuwento pa ni Rey namumukhaan niya si Jun ng makita niya itong dumadaan sa kanilang tindahan sa Catarman, at nang bisitahin niya naman umano ang mga kamag-anak nito ay dito na nga niya napag-alaman na dumaranas na si Jun ng depression ng masaksihan niya ang pagkamatay ng mga magulang at kanyang kapatid.



Dagdag pa niya,  umalalay ito sa mga magulang niya noon dahilan kung bakit hindi na ito nakapag-asawa



Ayon pa rin sa kanya, Nagsimula si Jun na ma-depress noong 25-anyos.



Nang matapos ang naging make-over kay Jun, ay dinala niya umano ito sa isang fast-food restaurant para maipa-takeout ng makakain,at pagkatapos noon para naman malibang si Jun ay kanya itong dinala sa isang pasyalan sa kanilang lugar at tsaka sila dumeresto sa isang grocery store kung saan ay kanyang ipinagawa kay Jun ang ‘one-minute challenge’, na kung ano man ang makuha nito sa grocery sa loob ng isang minute ay mapapasakanya na at si Rey ang magbabayad ng lahat.



Subalit kakaunti ang nakuha ni Jun na grocery sa loob ng isang minuto ay dinagdagan pa ito ni Rey ng 20-minutes challenge, para madagdagan pa ang grocery nito na maiuuwi katulad ng mga delata at biscuits.



Ang sumunod ay inihatid na ni Rey si Jun sa tahanan ni Fernan Fabrigaras ang negosyanteng nag-upload ng video ni Jun habang ito ay kumakanta,Kay Fernan na rin iniwan ni Rey ang mga ipinamili niya para kay Jun at ang P5,000 para panggastos nito at sa kasalukuyan nga ay nanunuluyan si Jun sa tahanan ni Fernan.



Payo naman ni Rey para sa mga taong bukas-palad na nagbibigay ng tulong sa kapwa;



“Huwag nating bibilangin kung ilan o ano yung naitulong natin. Huwag tayong magsawang tumulong hangga’t meron.



“Sabi nga nila mas maganda na ang tumulong sa ating kapwa na labis na nangangailangan kaysa ibili mo ng mga mamahaling bagay.”

COMMENTS

Name

viral,334,
ltr
item
VIRAL NEWS NGAYON: Tunghayan,Naging Makeover Ng isang "Homeless" Na Kamakailan Ay Nagtrending Sa Social Media Dahil Sa Pagkanta Nito Ng "Just Once".
Tunghayan,Naging Makeover Ng isang "Homeless" Na Kamakailan Ay Nagtrending Sa Social Media Dahil Sa Pagkanta Nito Ng "Just Once".
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhyFvV10pdVcHMD0o29a8cYR806dA-WBJyiGDWnPi6jvUGVFhsQGqRBQc3kMfmwNwNwV5pLksNh8ykQaWw_z8rzy_vcUv46P4fUX0c8XsjLkMt91txzD_PKDf8H8SClo2YbeFGVWfdTfZOxJ_QrhCPxOAyBCKe0FK14ihH9bkmyKva5u3H_QZIH1IRCoA=s16000
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhyFvV10pdVcHMD0o29a8cYR806dA-WBJyiGDWnPi6jvUGVFhsQGqRBQc3kMfmwNwNwV5pLksNh8ykQaWw_z8rzy_vcUv46P4fUX0c8XsjLkMt91txzD_PKDf8H8SClo2YbeFGVWfdTfZOxJ_QrhCPxOAyBCKe0FK14ihH9bkmyKva5u3H_QZIH1IRCoA=s72-c
VIRAL NEWS NGAYON
https://www.viralnewsngayon.info/2021/11/tunghayannaging-makeover-ng-isang.html
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/2021/11/tunghayannaging-makeover-ng-isang.html
true
1462148087577179965
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy