Napabilib ang mga netizen sa social media ng makita ang larawan na kinakaharap ng mga guro sa mariduque na buwis buhay na tumatawi...
Ang mga guro ay dumadaan sa ilog papuntang skwelahan at tuwing kasagsagan ng malakas na ulan ay tumataas ang tubig at malakas ang agos ng tubig noon pa man ay ito na umano ang kinakaharap na kalbaryo ng mga guro sa Puyog, Boac sa Marinduque tuwing umuulan.
Ayon sa kanya normal na nilang itinuturing ang ganitong karanasan dahil magmula pa naman noon ay ito na ang kanilang nararanasan kahit buwis-buhay ang kanilang pagtawid ay hindi naman ito hadlang para magampanan nila ang kanilang tungkulin bilang isang guro.
Dahil walang ibang daan wala silang pagpipilian kun hindi tumawid sa ilog at hinaharap nila ang ulan at rumaragasang tubig papuntang skwelahan upang maipamahagi rin nila ang mga module sa mga mag-aaral.
May pagkakataon umano na minsan na stranded sila at ginagabi na sa pag-uwi dahil hinihintay pa nilang humupa ang lamakas na ulan at humina ang agos ng tubig at ito ay hindi na kayang tawirin ng tricycle.
Ayon kay Teacher Amore.“May mga pagkakataon po na umaabot kami ng gabi sa pag-uwi. Dahil sa sobrang lakas ng ulan at agis ng tubig, naghihintay pa po kami ng paghina at pagbabaw,”
Ayon sa guro kahit na natatakot at delikado sa pagtawid ay ginagawa pa rin nila upang makapagturo at mabigyan ng edukasyon ang mga bata, inaayos na umano ngayon ang daan upang madaanan ng mga sasakyan.
Hiling lamang niya sa darating na face-to-face classes ay maayos na ang daan at magkaroon na rin ng tulay upang hindi na manganib pa ang buhay ng mga daraan doon.