Viral ngayon sa social media ang larawang ibinahagi ng sikat na komedyante, artista na si Jose Manalo na masayang ipinagmamalaki ang...
Tunay na hindi madali ang responsibilidad ng pagiging isang magulang ngunit para sa mga anak ay ginagawa ng isang magulang ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan ng maganda at kumportableng buhay ang kanyang mga anak.
Kasiyahan rin ng isang magulang na makita ang kanyang mga anak na nagtatagumpay na at nakakamit ang kani-kanilang propesyon sa buhay.
Kagaya na lamang ng isang magulang na talaga namang nagagalak ngayon sa kanyang mga anak dahil sa tagumpay ng mga ito sa bawat karera na pinili nila sa kanilang mga buhay ay ang sikat na komedyanteng si Jose Manalo.
Proud dad sa kanyang mga anak ngayon si Jose Manalo dahil sa tagumpay ng mga ito sa propesyon ng kanilang napili sa kani-kanilang buhay.
Ang anak ni Jose na si Myki Manalo ay isang resident doctor sa surgery depertment ng Capitol Medical Center. Taong 2012 ng magtapos ng kanyang kursong Bachelor of Science Major in Psychology si Myki sa De La Salle University. Ang kanyang medical degree ay kanyang nakuha sa Far Eastern Univerity noong taong 2016, at nagtapos naman siya sa De Los Santos Medical Center ng kanyang post graduate intership. Naging isang ganap na doktor si Myki noong taong 2017 ng maipasa niya ang Physician Licensure Examination.
Si Benj Manalo naman ay ang anak ni Jose na sumunod sa kanyang yapak na pinasok rin ang mundo ng showbusiness. Siya ay unang nakilala sa musical na “Rak of Aegis” kung saan ay kasama niya si Aicelle Santos. Noong taong 2017 ay napabilang si Benj sa pelikulang “Throback Today” na pinagbidahan ng aktor na si Carlo Aquino, maliban pa dito ay may ilang mga pelikula pa nga siyang kinabilangan kung saan ay iba’t ibang mga artista ang kanyang nakatrabaho.
Kasal na si Benn ngayon sa Kapuso actress na si Lovely Abella, at mas lalo pa ngang naging successful dahil silang mag-asawa ay nagtulungan sa negosyo, kaya naman ngayon ay may sarili na silang bagong bahay at sasakyan.
Isa ring artista ang anak ni Jose Manalo na si Nicco, kung saan karamihan sa mga role na kanyang ginagampanan ay kagaya sa mga suppportings roles sa pelikula ng aktor na si Gerald Anderson. Siya rin ay nakilala sa musical na “Mula sa Buwan” at “3 Stars at A Sun”.
May anak rin si Jose na Account Manager sa isa sa mga nangungunang integrated network communication marketing sa Pilipinas na MullenLowe Philippines, at ito nga ay si Ai Manalo. Si Ai ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Communication Major in Advertising and Public Relations sa Assumption College, na matatagpuan San Lorenzo, Makati.
Hindi din naman nagpapahuli ang bunsong anak ni Jose na si Colyn Manalo. Isa siyang matalino at achiever na bata. Sa katunayan, nasungkit niya ang pagiging Top 9 sa klase noong kanilang viral graduation. Nakaka-proud naman talaga ang mga anak ni Jose Manalo, dahil sa kanya-kanyang tagumpay ng mga ito.