Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang kabaong ng isang new born baby na laging tinatabihan ng isang itim na pusa at na...
Hindi natin maipagkakaila na tayo ang lubos na pinagpala sa lahat ng mga nilikha at tayong mga tao ay binigyan ng napakagandang pribilehiyo sa mundong ating ginagalawan ngayon at likas sa isang tao ang pagkakaroon ng emosyon na kung saan nakakaramdam tayo ng kasiyahan o kalungkutan subalit maliban sa tao masasabi na maging ang mga hayop din ay nakakaramdam ng kalungkutan at kasiyahan.
Kagaya na lamang ng isang itim na pusa na laging nakatabi sa kabaong ng isang sanggol na humihiga pa mismo sa tabi nito.
Kitang kita ang itim na pusa na nasa tabi ng kabaong ng isang 26 days old na baby sa mga larawan na ibinahagi ng Public Information Office ng Asingan sa Pangasinan,
Ayon sa pamilya ng namaalam na ang sanggol ngunit nagulat na lang umano sila nang bigla na lamang tumabi ang kanilang pusa sa kabaong ng sanggol.
Noong una ay pinapaalis na rin umano nila ang kanilang pusa sa tabi ng kanilang baby, ngunit sa tuwing nakikita umano ng kanilang pusa na walang kasama ang kanilang baby ito ay bumabalik.
“Noong una po pinapalayo namin tapos bumabalik po siya. Tapos noong walang maiiwang makakasama ’yung baby namin... bumabalik po siya."
Saad ng ina ng sanggol na si Evelyn Romero.'’Sige diyan ka muna bantayan mo muna si ading mo ah?’'
Ayon naman sa PIO ng Asingan saad pa raw ng isang animal behavior expert, ang biglaang pagbabago sa kanilang environment ay nakakaapekto rin sa mga mental state ng mga hayop.
Ikaniya.“Anumang kalungkutan na nararamdaman ng hayop ay kaakibat ng biglang pagkawala ng malaking bagay na bahagi noon ng pang-araw-araw na buhay nito,”