Nadurog ang puso ng mga netizen ng makita ang larawan ng isang lola na kinilalang si lola Laida Cadie Gracias na taga Caloocan Cit...
Ayon sa nagbahagi ng larawan ni lola Laida na si Jhonroe Yu Cabildo bandang 2:45 na hapon nang pumunta siya sa monumento station sa Caloocan upang magpasa ng mga requirements ng mapansin niya ang isang matanda na mukhang gutom at nanlilimos sa kalsada at konti lamang ang pumapansin sa matanda kaya naman hindi natiis ng kanyang puso na lagpasan siya.
Saad ni Cabildo kay lola.“Nanay wag ka mag-alala may tutulong po sa inyo na mas may kaya sakin si Idol Raffy.” Sabi ng matanda, “Sino yun, nakakahiya Anak.”
Nadurog lalo ang puso ng netizen ng malaman niya ang dahilan kung bakit nanlilimos si Nanay Laida na para pala sa kanyang apo na nag-oonline class at iniipon niya raw kasi ang mga limos na kanyang natatanggap para pambili ng mga requirements ng kanyang apo sa pag-aaral dahil ang asawa niya ay hindi na rin siya matulungan dahil mahina na rin ito.
Nanawagan si Cabildo sa mga netizens at sa mga programa at ahensya upang matulungan pa lalo si lola.
“Pasensya na sa kaunting tulong Nay, alam kong kulang kaya eto, huwag kang mag-alala nanay, alam ko na may mga taong mabubuti pa na makakatulong sa iyo at makakapansin sa post ko na ito para matulungan ka. Tulungan po natin si nanay.”
Napag-alaman na mayroon nang mga netizens na nag-abot ng tulong sa pamilya ni Nanay Laida,at sa pangalawang post ng netizen ay natunton niya ang bahay ng matanda at tuwang tuwa raw ito dahil muli silang nagkita.
Sana ay patuloy pang bumuhos ang mga tulong para kay Nanay Laida at sa kanyang pamilya para hindi na siya manlimos sa kalsada.
Sana ay patuloy pang bumuhos ang mga tulong para kay Nanay Laida at sa kanyang pamilya para hindi na siya manlimos sa kalsada.