Naantig ang puso ng mga netizen sa social media ng makita ang larawan ng isang matandang lola na nagtatrabaho sa palengke bilang i...
Ang pagiging kargador ay isang trabahong kalimitan ay ginagawa ng mga kalalakihan at ito ay
nangangailangan ng malakas na pangangatawan sa pagbubuhat ng mga mabibigat na karga katulad ng mga sako at kahon.
Minsan lamang nagkakaroon ng mga babaeng ginagawa ang trabahong panlalaki dahil sa hirap ng buhay,Nakakaawa ang isang video na kumakalat ngayon sa social media dahil isang ka-awa-awang lola lang naman ang makikitang nagtatrabaho bilang isang kargador sa isang palengke.
Sa kabila ng edad hindi makikita kay lola ang panghihina habang dahan-dahang ikinakarga ng dalawang lalaki ang isang sakong punong-puno sa likod ni lola at halatang mabigat ang naturang sako dahil nalagpasan pa nga nito si lola sa laki at nawala rin ang ngiti ni lola nang maikarga na ito sa kanyang likod.
Naglagay pa muna si lola ng isang tela o bandanang susuporta sa sako habang nakakarga ito sa kanyang likod at itinali niya ito sa bandang likuran at balikat niya upang maibsan kahit kaunti ang bigat ng kanyang kinakarga kitang-kita ang bigat na iniinda nito dahil sa kanyang pagkakayuko at dahan-dahang paglalakad.
Bagama’t umani ng papuri si lola dahil sa pagtatrabaho nito sa kabila ng kanuyang edad nangibabaw pa rin ang mga hinaing at galit ng mga tao kung bakit hinayaan pa umano si lola na magtrabaho at hindi man lang tinulungan o pinigilan ng mga tao sa lugar.
Maraming netizen ang nagsabi na dapat ay hindi na pinagtatrabaho si lola bagkus ay nasa bahay na lamang at kasama ang mga mahal sa buhay
Ito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:
“If it's her choice will you still let her carry that thing alone? Kitang kita sa face nya na ginagawa nya yan kasi may pamilya sya..
Ayon kay Garette Purigay.“Naiiyak ako ayoko nakakakita ng matandang nahihirapan o nagtatrabaho,”
Saad ni Ronald Supremo.“From the looks of it, Nanay didn't wanna be helped but still they should've insisted that they carry it but instead they just laughed, that must've weighed more or less 50 kilos and that background music just makes it worse, doesn't even fit the scenario, hate it when people exploit certain vids for their own gain,”
Dagdag pa ng ilan,hindi man lang daw tinulungan si nanay ng dalawang lalaking nagpatong ng sako sa likod nito at ngumingiti pa.
Nakakabilib man ang paghahanap-buhay nito sa kabila ng edad upang maitaguyod ang kanyang pamilya dapat umano ay ibang trabaho na magagaan lamang tulad ng pagtitinda ang ginagawa nito.
Pati rin sa mismong kumuha ng video ay naglabas ng hinaing ang mga netizens, Dahil kung paano raw umano nitong natiis na kunan ng video ang matanda imbes na pigilan o tulungan nalamang ito.
Karapat-dapat lang talaga na hangaan si nanay dahil sa ipinapakita nitong lakas at determinasyon at ipinapakita at pinatutunayan lamang ni nanay na hindi hadlang ang edad sa taong gustong maghanap-buhay at ayaw maging pabigat sa lipunan.