Nadurog ang puso ng mga netizen sa Social Media dahil sa larawan ng isang ina na kinilalang si Gloria Ybanez na mula sa Molave, B...
Nadurog ang puso ng mga netizen sa Social Media dahil sa larawan ng isang ina na kinilalang si Gloria Ybanez na mula sa Molave, Barangay Talisay, Agusan Del Norte, na gumagapang sa lupa at tila putikan ang buong katawan at ginagawa pang utusan ng mga anak.
Ayon sa post ni Prieto Orgal ay mahina na ang katawan ni Nanay Gloria, at hindi na siya makatayo kaya naman gumagapang na lamang siya subalit Inuutusan pa di-umano ng mga anak si Nanay Gloria kahit na alam nilang nahihirapan na ang kanilang ina dahil sa sitwasyon nito.
Hindi na rin kaaya-aya ang amoy ni Nanay Gloria dahil hindi man lamang raw siya pinapaliguan ng kanyang mga anak at hindi na rin siya inaasikaso ng mga ito.
Nahabag si Orgal sa sitwasyon ni Nanay Gloria kaya naisipan niyang ibahagi ito sa Social Media upang humingi ng tulong sa mga netizen na may mabubuting puso.
Narito ang kabuoang post ni Orgal:
"Siya si Gloria Ybanez, Nakatira sa purok Molave Talisay Nasipit Agusan del Norte, Mag isa lang siya sa bahay. Hirap na siyang makalakad at Hinang hina na po siya sana kung mabasa man ito ng mga anak o kamag anak niya maawa naman kayo sa kanya."
Kahit ano man ang ginawa sa'tin ng ating mga magulang, masama man o mabuti ay dapat suklian natin sila ng kabutihan at karapat dapat silang alagaan at mahalin natin sila dahil kahit anong mangyari pagbali-baliktarin man ang mundo magulang pa rin natin sila.