Isang Guro,Namimigay Ng Laptop Sa Kanyang Mga Estudyante At May Adbokasiyang "Laptop Para Sa Pangarap".

Viral sa social media ang isang guro na may busilak na puso na kinilalang si Melanie Reyes Figueroa na 53-taong gulang na nakatira...





Viral sa social media ang isang guro na may busilak na puso na kinilalang si Melanie Reyes Figueroa na 53-taong gulang na nakatira sa Iligan City, Lanao Del Norte, Ito ay dahil sa kanyang pagtulong sa kanyang mga estudyante upang magkaroon ang mga ito ng kani-kanilang sariling laptop na magagamit nila sa online class.



Mahalaga ngayon sa bawat estudyante na magkaroon ng sariling laptop upang may magamit para sa online class dahil wala pa ring face to face class dahil sa pandemya ngunit hindi lahat ay nabiyayaan ng magandang buhay para makabili ng laptop at maraming mga kabataan na walang mga gamit sa pag-aaral lalo na ang computer dahil may kamahalan ito.













Si Teacher Melanie kasi may malaking puso para sa kanyang mga mag-aaral kaya naman maraming humanga sa kabutihan ng guro na ito dahil limang estudyante na ang kanyang nabigyan ng bagong laptop at sa tulong ng kanyang mga kaibigan at kakilala ay nakalikom si Teacher Melanie ng pera para makabili ng laptop para sa kanyang mga estudyante.



Siya ngayon ay nagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa Grade 10, sa Hinaplanon National High School,Nagkaroon ng sariling adbokasiya ang guro na tinawag niyang “laptop para sa pangarap.” Kung saan pumipili siya ng nga estudyante na deserving makatanggap ng laptop para may magamit sa kanilang pag-aaral.



Nag-viral ang post ng estudyanteng si Chrisken matapos siyang makatanggap laptop na mula sa kanyang Teacher Melanie, Pinuri naman ang guro dahil sa kabaitan dahil hindi niya pinapabayaan ang kanyang estudyante na walang gagamitin sa kanilang online class.



Nagpasalamat ang guro sa kanyang mga kaibigan at kakilala na handang tumulong sa kanya at sa mga estudyante.



“A dreamer whose dream is about to begin. In behalf ni Chrisken, na until now na overwhelmed pa, maraming salamat sa mga donors sa kaniyang new laptop (Acer), my 3 high school batchmates na hindi nagpa-mention.”



Ayon sa Guro tumutulong siya dahil mga honor student ang mga bata at hindi nila kayang bumili ng laptop para sa kanilang pag-aaral kaya humingi siya ng tulong sa mga kaibigan sa social media at hindi naman siya nabigo.



Ika ng Guro,“Sir naisipan ko po ‘yan dahil ito pong mga binigyan ko ng, mga honor students po namin and di po nila afford bumili ng laptop. Just imagine cellphone lang ang gamit sa online class samantalang iyong mga kaklase nila nakalaptop, paano po sila makikipagsabayan nang patas. Kawawa naman po,” 



Dagdag pa niya,“At ang funds po ay nagmumula sa mga friends ko po sa Facebook. Nagpapadala po kaagad sila everytime may post ako,” 



Mensahe ng Guro sa kanyang kapwa guro:



Saad niya.“Mas lalo ninyong pagbutihan ang pag-aaral dahil hindi lamang mga guro ang nagsasakripisyo ngayon, kundi maging ang mga magulang na tumatayong partner ng paaralan,” 



Dagdag pa niya,“Para sa mga kapwa ko guro, alam kong mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan nating lahat, pero kailangan nating yakapin ang anumang meron tayo ngayon. Kung dati, ginagawa natin nang buong husay ang mga trabaho natin noong wala pang pandemya, ngayon pa kaya na mas kailangan tayo?”



COMMENTS

Name

viral,334,
ltr
item
VIRAL NEWS NGAYON: Isang Guro,Namimigay Ng Laptop Sa Kanyang Mga Estudyante At May Adbokasiyang "Laptop Para Sa Pangarap".
Isang Guro,Namimigay Ng Laptop Sa Kanyang Mga Estudyante At May Adbokasiyang "Laptop Para Sa Pangarap".
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgQGwnW8TiBjTRyvh8Kpt_ZT6QfRjaHQo-yq7VgeBMGOKy_ICt3x33NIY5-oJ2kCUvKZo3FCGubWFBemwN2wf_ck_7VGxtPcV7zdClWqF2xypArPVhV4x3eA9L_0YQXU2FlSDhSCBVLsGbiMzXueNLwPaKEuGNKrqDmAXLFjVaHa3r0wS3IalMBcmmaxA=s16000
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgQGwnW8TiBjTRyvh8Kpt_ZT6QfRjaHQo-yq7VgeBMGOKy_ICt3x33NIY5-oJ2kCUvKZo3FCGubWFBemwN2wf_ck_7VGxtPcV7zdClWqF2xypArPVhV4x3eA9L_0YQXU2FlSDhSCBVLsGbiMzXueNLwPaKEuGNKrqDmAXLFjVaHa3r0wS3IalMBcmmaxA=s72-c
VIRAL NEWS NGAYON
https://www.viralnewsngayon.info/2021/11/isang-guronamimigay-ng-laptop-sa.html
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/2021/11/isang-guronamimigay-ng-laptop-sa.html
true
1462148087577179965
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy