Viral naman ngayon sa social media ang video ng isang dakilang ama na kinilalang si Tatay Noel Perez na nagsusumikap na magtinda n...
Viral naman ngayon sa social media ang video ng isang dakilang ama na kinilalang si Tatay Noel Perez na nagsusumikap na magtinda ng fishball upang makapaghanap-buhay sa kabila ng kanyang kapansanan na putol ang kamay ngunit ito ay hindi naging hadlang upang patuloy siyang maghanapbuhay para sa kanyang pamilya.
Isang biyaya na sa atin ang maging malusog at walang karamdaman at maswerte na ang isang pamilya kung makakain ng tatlong beses sa isang araw kaya naman ang ating mga ama at ina ay dapat pasalamatan sa mga ginagawa nila at pagsusumikap nila upang makaraos sa pang araw-araw.
Siya ay patuloy na kumakayod sa buhay bilang isang fishball vendor sa kabila ng kawalan niya ng kamay at wala man siyang kakayahang hawakan ang mga bagay na madali lang nating nahahawakan ay kayang-kaya naman niyang dumiskarte at magtrabaho.
Hindi rin kayang tiisin ni Tatay Noel na magkulang sa kanyang pamilya kaya naman nagsusumikap siya sa pagtitinda ng fishball,at tinatawag si Tatay Noel bilang “Mang Weng” ng kanyang mga suki at ng nag-viral sa social media ang kalagayan ni Tatay Noel marami ang lubos na humahanga sa kanyang dedikasyon para magpatuloy sa hamon ng buhay.
Noong taong 1983 nang makueryente siya sa dating pinapasukang constraction site naputulan si tatay Noel ng kamay, Malungkot man ang nangyari kay Tatay Noel ay hindi niya hinayaan na maputol din ang kanyang pag-asa.
Nagbunga ang kanyang pagsusumikap at napagtapos niya ang kanyang dalawang anak, Kasalukuyan pa rin siyang nagtitinda ng fishball para matustusan ang pagpapagamot ng kanyang misis, Mahirap man ay hindi kailangang sumuko ni Tatay Noel bagkus ay dapat mas nagiging matatag siya para sa kanyang pamilya.