Groom,Naharang Ng Checkpoint Sa Mismong Araw Ng Kasal;Bride Pinuntahan Ang Groom At Doon Itinuloy Ang Kasal.

Viral ngayon sa social media ang mag-irog na kinilalang sina Erwin Zabala at Ruby Papio dahil nito lamang nakaraang buwan sa Urdan...






Viral ngayon sa social media ang mag-irog na kinilalang sina Erwin Zabala at Ruby Papio dahil nito lamang nakaraang buwan sa Urdaneta City Pangasinan, kakaibang eksena ang nasaksihan ng mga frontliner na pulis at ilang mga netizen kung saan ay may kasalang naganap sa mismong border checkpoint ng lugar.



Marahil ito ang kauna unahang pag iisang dibdib na naganap sa kasaysayan ng checkpoint sa Urdaneta, Pangasinan,Mabilis na nag viral ang mala-modernong fairy tale na kwento ng dalawa sa social media dahil sa kakaibang lokasyon kung saan pinagbuklod ang kanilang dalawang pusong nag iibigan.








Si Erwin na groom ay isang OFW at umuwi ng Pilipinas upang magpakasal sa kanyang fiancee na si Ruby,subalit bago ito ay nag-home quarantine muna si Erwin sa Manila ng 10-araw sa isang hotel bago dumiretso sa Pangasinan para sa kanilang Civil Wedding.



Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naharang ang kasintahan ni Ruby habang ito'y papunta sa  lugar kung saan sila'y ikakasal dahil kinulang umano ang mga dokumento ni Erwin partikular na ang S-PASS na isa sa mga pangangailangan ng isang taong nagnanais na tumawid sa lugar o bisinidad ng Pangasinan.



Dahil sa tanging quarantine certificate lang at proof ng kanyang vaccination ang naipakita nito sa mga nakatalaga sa TPLEX Exit border checkpoint ng lalawigan,kaya naman tuluyan ng naharang si groom at nakalulungkot isiping hindi na ito makatutuloy pa sa kaniyang mismong kasal.



Ayon sa nag-organisa ng kanilang kasal ay maari pa ring ituloy ang kasal,subalit kailangan lang nilang ipaalam ang sitwasyon kay Ruby at kung papayag ito ay siya mismo ang sasadya sa kinaroroonan ni Erwin at doon sa checkpoint mismo idaos ang kanilang kasal at manghihiram na lang ng lamesa at upuan.



Alam ng lahat na napaka importanteng mairaos ng maayos at sobrang espesyal ang araw na ito sa isang bride na gaya ni Ruby,Ngunit hindi ito nag atubili na puntahan ang kaniyang minamahal na si Erwin upang matuloy ang pag iisang dibdib at makapagpalitan sila ng kanyang magiging mister ng napakatamis na salitang "I do".



Saksi ang ilang kawani OWWA, Philippine Coast Guard, mga pulis pati na rin ang ilang mga na-stranded din sa checkpoint at sa basbas ng isang attorney ay pormal na naisagawa ang kasalan nina Erwin at Ruby.



Bagamat kakaiba at hindi inaasahan ang nangyaring naganap ay nabalot pa rin ng kilig ang buong lugar at umapaw ang kaligayahan, sa ngayon ang dalawa ay nasa Baguio City upang magbakasyon at para na rin sariwain ang kanilang honeymoon.


COMMENTS

Name

viral,334,
ltr
item
VIRAL NEWS NGAYON: Groom,Naharang Ng Checkpoint Sa Mismong Araw Ng Kasal;Bride Pinuntahan Ang Groom At Doon Itinuloy Ang Kasal.
Groom,Naharang Ng Checkpoint Sa Mismong Araw Ng Kasal;Bride Pinuntahan Ang Groom At Doon Itinuloy Ang Kasal.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEie_A5WY0PZR2osx42qNY06g2moZBESQ_1qPnq-A7tjIdH1YhSPZQUyQjD4uRrEJk6oJJRP3RrZ1zNsB3qPQXjMMoxmjQyoLGF4r3Yr-bi4Xre0w9y9mbKWwjoIGsz537mNHcZcFgB37J_mWUpPVXT0SY0tRo2DOpEiARVG78gTaETcHWnTg3d-162H9Q=s16000
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEie_A5WY0PZR2osx42qNY06g2moZBESQ_1qPnq-A7tjIdH1YhSPZQUyQjD4uRrEJk6oJJRP3RrZ1zNsB3qPQXjMMoxmjQyoLGF4r3Yr-bi4Xre0w9y9mbKWwjoIGsz537mNHcZcFgB37J_mWUpPVXT0SY0tRo2DOpEiARVG78gTaETcHWnTg3d-162H9Q=s72-c
VIRAL NEWS NGAYON
https://www.viralnewsngayon.info/2021/11/groomnaharang-ng-checkpoint-sa-mismong.html
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/2021/11/groomnaharang-ng-checkpoint-sa-mismong.html
true
1462148087577179965
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy