Usap-usapan ngayon sa social media ang mga pahayag ni Bugoy Cariño patungkol sa mga netizen na pinupuna at binabato ng mga masasa...
Usap-usapan ngayon sa social media ang mga pahayag ni Bugoy Cariño patungkol sa mga netizen na pinupuna at binabato ng mga masasakit na salita ang kanyang partner na si Ej Laure matapos siyang magbahagi ng video sa TikTok kung saan magkasama silang sumasayaw ng kanyang partner.
Ayon kay Bugoy, para sa kanya ay mas pipiliin niya ang babaeng kagaya ni EJ kesa sa babaeng puro ganda lang at ipinagmamalaki niya si EJ dahil sa marunong ito gawaing bahay, madiskarte at loyal,Dagdag pa niya,sa panahon ngayon ay mas mahalaga ang katangiang ito kaysa sa puro paganda at kaartehan.
Ito ang komento ng ilang netizen na humanga kay Bugoy:
"Swerte ng mga babaeng may partner na ganyan ang mindset. ibang lalaki sisiraan ka pa dikana pinrotektahan sisiraan ka pa makuha lang nya ang babaeng gusto nya."
"Aanhin mo ganda kung asa lang sa asawa. Tama yan bugoy mahalaga madiskarte misis mo at nag tutulungan kayo. "
"BOOM! matamaan sana kayong lahat BULLY pa kase just remember di yung pagandahan at pa guwapuhan ang makakapag bigay ng maganda at mabuting buhay sa inyo. "
Naging kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa kamakailan dahil sa agwat ng kanilang edad lalo noong nag-uumpisa pa lamang silang iugnay sa isa't-isa.
Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN, naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit, at kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime, At si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.