Lahat tayo ay may pinagdadaanan sa buhay ngunit hindi ito rason para sumuko na lamang subalit hindi maiiwasan na makaramdam tayo ng ...
Lahat tayo ay may pinagdadaanan sa buhay ngunit hindi ito rason para sumuko na lamang subalit hindi maiiwasan na makaramdam tayo ng lungkot lalo na para sa mga kababayan natin na lubos na naghihirap at patuloy na naghihirap dahil sa kinahaharap nating pandemya marami sa ating Pilipino ang patuloy pa rin sa pagkayod sa buhay para may ipangtustos sa pamilya.
Katulad na lamang ng isang matandang lalaki na nagtitinda ng binatog na nakunan ng larawan at ini-upload ni Jeffrey Narciso sa social media dahil nabunggo ng isang tricycle ang matanda at tinakbuahn imbis na ito ay tulungan.
Ayon sa uploader na si Jeffrey Narciso ay kakalabas pa lamang umano ng tindero nang mabunggo ito ng tricyle at ang mas nakakalungkot sa larawan at lubos na nagpadurog sa puso ng mga netizens ay tinakbuhan ito ng tricycle driver.
Marami sa mga netizens ang nakaramdam ng lungkot para sa matanda at marami rin ang nagalit sa ginawa ng tricycle driver na imbis na tulungan niya ang nakatumbang matanda at ang panindang natapon ay tinakbuhan pa niya ito.
Dahil dito, ay ipinagpasa-Diyos na lamang ng mga netizens ang sitwasyon ng matanda, Sa buhay, hindi maiiwasan ang kahirapan at mga pagsubok na dumarating sa araw-araw ngunit dapat lamang na ang bawat isa sa atin ay magtutulungan.
Narito ang kabuoang post ni Jeffrey Narciso:
"Kawawa naman si tatay kalalabas lng niya pra mg binta ng binatog kanina. Nabungg0 nang tricycle tinakbuhan pa cya. Nag titinda sya nang (binatog _mais)"
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:
"kawawa naman po si tatay minsan na lang po humawak ng pera gaganyanin pa"
"Kawawa naman si Tatay. Ang sakit-sakit makakita ng ganitong sitwasyon. Walang awa ang bumunggo sa kanya. Naghihirap na nga si Tatay para may makain tapos tatakbuhan lang ng nakabunggo. Ang pagkain para sa lahat, napunta lang sa wala. Sayang."