Nakilala si Betong Sumaya bilang isa sa mga magagaling na komedyante at Artista sa panahong ito at Nakilala rin si Betong sa kanya...
Dahil sa pandemya ay naapektuhan rin siya nito dahil maraming kabuhayan ang naapektuhan at maging si Betong ay ramdam ang naging bunga ng pandemya ngunit diskarte ang kanyang ginawa kaya naman pinasok ni Betong ang live selling na gamit ang kanyang popularidad at nakakabenta si Betong ng mga damit niya na hindi pa niya nasusuot at iba pang mga produkto.
Malaking sorpresa para kay Betong ang pagbili ng aktor na si Alden Richards sa kanyang Online Selling at noong una ay ayaw pa maniwala ni Betong dahil RJ Richards ang pangalan nito at baka poser lamang.
Kaya naman nang magtanong ito ng presyo ay medyo nagbiro pa si Betong dahil malaking halaga ang usapan dito.
Ayon kay Alden.“Yung for sale lang hindi bidding,”
Saad ni Betong.“Nagbiro pa ako, nagbigay pa ako ng figure, e, medyo mataas pa kasi nga iniisip ko na baka b0gus ‘to, e. Alam mo ‘yun, p0ser ganun,”
Hindi lubos akalain ni Betong na si Alden talaga ito at talagang bumili ito ng worth 50,000 pesos at agad na nagbayad si Alden kaya naman laking tuwa ni Betong dahil mabait naman talaga si Alden at wala kang masasabi.
Kaibigan raw talaga ang turing niya dito lalo na at nakasama niya ito sa ilan niyang mga shows.
Dagdag pa ni Betong.“Doon mo mapapatunayan na ‘yung mga kaibigan mo talaga na totoong kaibigan mo na susuporta sa anumang gagawin mo,”
Sa panahon ng pangangailangan mayroon ka talagang kaibigan na maituturing at sila ang magiging sandigan mo sa panahon ng pangangailangan at handang tulungan ka sa kagipitan at ayan ang matatawag na tunay na kaibigan.