Usap-usapan ngayon sa social media ang sinabi ng sikat na Kolumnista na si Cristy Fermin sa isang episode ng Cristy Ferminute na nab...
Idinagdag pa niya na posible rin na ang perang naipon nila ay nasa time deposit na inilaan para sa kanyang pamilya at para sa kanilang kinabukasan at tinalakay rin ni Cristy Fermin ang tsismis na narinig niya tungkol kay Sen. Manny Pacquiao mula sa kanyang source.
Ikaniya nabalitaan niyang nagbebenta na raw ngayon ng mga ari-arian ang senador sa Gensan.
"Balitang-balita sa south ito, sa Gensan, na nagbebenta raw ng mga properties si Sen. Manny Pacquiao. Nagbebenta raw ng bahay, ng mga lote na nabili nila. Ganun."
"Ang interpretasyon ko naman dun, hindi sa anupaman, baka dun nya kukunin yung gagamitin niya sa kampanya. Di ba?"
"Baka yung naiipon naman nila ay itinabi na talaga, naka time-deposit na para sa kanyang pamilya at kinabukasan nila." "Yun naman ang interpretasyon ko," said Cristy. "Pero parang hindi naman ganun yung interpretasyon ng nagkwento."
"Parang kinakapos daw." "Naaalala ko tuloy si Gov. Chavit Singson." 'Mauubos' ang pera niya, matatalo pa siya. Di ba? Yun yung sinabi."
Si Sen. Manny Pacquiao ay tumatakbong Pangulo sa 2022 elections at ang kanyang running mate ay si Cong. Lito Atienza.
Si Cristy Fermin ay isang beteranong kolumnista sa showbiz at isa siya sa mga host ng Take It Per Minute at siya ang pangunahing host ng Cristy Ferminute.