Pormal na naghain ng kandidatura para sa pagka-pangulo si Senador "Bato" Ronald dela Rosa sa ilalim ng partidong PDP-Laban...
Direktang sinagot ni "Bato" Ronald dela rosa na kung papalitan siya ni Mayor Sara Duterte sa pagtakbo sa pagka-pangulo ay mas maganda raw umano ito para sa kanya,nangyari ito sa mismong press con ng COMELEC kung saan nagbibigay ng pahayag ang mga kandidato.
Nag-file na ng ceritificate of candidacy si Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa ngayong Oktubre 7 taong kasalukuyan sa Commission on Elections,Nalaman ng mga netizen na tatakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas si Senator Bato sa ilalim ng partido PDP-Laban.
Sa maiksing press con ng Comelec para sa mga kakandidato, naipahayag ni Bato na matagal na umanong plano ng kanilang partido ang kanyang pagtakbo.
Ang paliwanag ng Senator,"Matagal na, pero tinatago lang namin. 'Yun ang diskarte para kasi kung maaga ka magbalita, wala titirahin ka kaagad,"
Nang tanungin naman siya tungkol sa posibilidad na papalitan siya ni Mayor 'Inday Sara' Duterte-Carpio sa pagtakbo bilang presidente diretsahan naman itong sinagot ni Bato ng "E 'di mas maganda!"
"This is a partner decision, this is not my personal decision. Kasi kung ako lang masuusnod, kung patatakbuhin nila ako, tatakbo pa rin ako,"
Sinabi ni Senator Bato na wala umano siyang alam kung patuloy pa rin ang pagkumbinsi kay Mayor Sara na tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa follow up questions ng press,Si Sara Duterte ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang alkalde ng Davao City.
Sa isang naunang ulat sa social media ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang kanyang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito, Matatandaang mariin rin na itinanggi mismo ito ni "Inday Sara"ang umano'y pagtakbo niya sa nasabing posisyon sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.Kamakailan ay naghain na rin ito ng certificate of candidacy sa muling pagtakbo niya bilang alkalde ng Davao City.