Viral ngayon sa Social Media ang larawan ng dating housemates ng seryeng "PBB" o mas kilala sa tawag na Pinoy Big Brothe...
Viral ngayon sa Social Media ang larawan ng dating housemates ng seryeng "PBB" o mas kilala sa tawag na Pinoy Big Brother na si Yamyam Gucong matapos nitong isiwalat sa publiko ang paghahayag nito ng pagmamahal sa kanyang matagal ng kasintahan noon pang hindi pa siya sumasabak sa buhay showbiz.
Ayon sa kanya, pinili niyang mag-propose sa kanya nobya sa tindahan kung saan binili nila ang singsing upang gawing kakaiba ang pagpo propose ang dahilang ito ay ang fiancée niya ay sanay na siyang magulat.
Saad niya."Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng 'papayag kaba na maging asawa ko',"
Ang kanyang post ay umani ng mga komento mula sa mga netizen na nagpahayag ng kanilang suporta at kaligayahan para sa alumnus ng PBB. Ilang araw na ang nakakalipas, nagbahagi rin si Yamyam ng isang video kung saan siya at ang kasintahan ay malambing na sumasayaw ng A Thousand Years. Na-caption din niya ito ng, "once step closer".
Si Yamyam Gucong ay isa sa mga kilalang housemates sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother. Dahil sa kanyang mabait na pagkatao, nakapagpapasiglang kwento, at kapansin-pansin na pakikipagkaibigan kay Fumiya Sankai, nakuha niya ang mga puso ng maraming tao.
Sa kaniyang social media account, dating nagbahagi si Yamyam ng larawan ng kanyang kotse. Nagpose siya sa harap nito kasama ang kanyang mapagmahal na ama, at naantig ang kanyang mga tagahanga. Ibinahagi ng mga tao sa social media ang kanilang kagalakan para sa kanya at sa kanyang pamilya, na nakatira sa Bohol. Kahit ang mga kapwa niya dating Pinoy Big Brother na housemates ay nag-iwan din ng komento sa kanyang post.
Ipinakita ni Yamyam sa kanyang mga tagahanga at tagasunod ang resulta ng kanyang ilang taong pagsusumikap, Nagbahagi siya ng larawan mula sa pagtatayo ng kanyang bagong bahay.