Viral ngayon sa Social Media ang post ng isang Singer na kinilalang si Patricia Ivy PeƱano dahil sa kanyang inis sa hindi kakilala...
Halatang nagulat ang singer sa dami ng request na kanta nito sa mismong araw ng kasal pero kalaunan ay pumayag pa rin ang singer at ang hindi niya inaasahan ay ang hirit at mga sinabi ng lalaki at sa bandang huli ito pa ang nagalit sa kanya.
Ito ang kabuoang post ni Ptricia:
"Tbh matagal ko na gustong ipost to wala lang ako lakas ng loob."
"Since may mga nagpost naman ng ganito so nagkaron ako ng lakas ng loob."
"Gusto ko rin i-share 'to. Pero tinakpan ko yung pic at name ni Koya di naman ako ganon kasama para ipahiya siya sa social media."
"Siguro nga uso ngayon yung pakapalan ng..."
"Sa totoo lang ang daming beses ko na na-encounter yung may magPPM sakin ng hindi ko kilala pero nirefer ng kakilala ko ganoyn! tapos kukunin sa ganito ganyan pero ngayon lang ako naka encounter ng ganitong tao. Knowing na hindi kami mag-kakilala."
"Okay lang sana mag demand tayo pero wag sobra."
"Sa totoo lang, nakakatawa yung mga ganitong tao. Penge po kapal ng muka"
"I sing to EXPRESS not to IMPRESS. NOTE THAT. (Motto yan ng mga singers haha) Iyo na po ang followers mo ano gagawin ko jan? Magkakapera bako jan? Don't get me wrong people, hindi sa mukang pera gaya ng sabi nung nagchat hahahahaha practically speaking ang pagkanta sa panahon ngayon pinagkakakitaan na. May mga bagay na dapat nating paglaanan ng pera, may utang na dapat bayaran at pagkain na dapat paglaanan. That's why.*"
"Sobrang hassle kaya ng hinihiling ni Koya mo. 20 SONGS PARA LANG PASIKATIN AKO AT BIGYAN NG FOLLOWERS TAPOS PAKAKAININ PA DAW AKO SA RECEPTION JUSKO Muka po ba akong matakaw?MMMeMedyo lang naman hahahaha kidding aside pero di naman po makapal ang mukha ko."
"Sana matuto tayong mag value ng bagay na ipinagkaloob ng Diyos. Matuto tayong mag value ng artists. Hindi biro ang maging isang singer."
"Ps: Tinakpan ko yung name and picture for his own risk. Di naman ako ganon kasama para mamahiya ng tao."
"Pps: Pinost ko po para lang aware tayo sa ganitong tao"
"Ppps: Wala na finish na"
Dagdag kaalaman para sa lahat si Patricia ay naging isang Secret Songer sa I Can See Your Voice TV show ng ABS CBN.