Lady Guard, Nakapagtapos Bilang Dean's lister Sa BSU Dahil Pinagsabay Nito Ang Pag-aaral At Pagtatrabaho.

Maraming netizen sa Social Media ang naantig at bumilib sa isang 27-anyos na Lady Guard at isa ring Estudyante na mula sa Tagum, M...




Maraming netizen sa Social Media ang naantig at bumilib sa isang 27-anyos na Lady Guard at isa ring Estudyante na mula sa Tagum, Marinduque na si Arlyn Ramos dahil nagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho at nakapagtapos  ng pag aaral at kabilang rin siya sa nagtapos bilang Dean’s Lister.


Mas lalo pang bumilib kay Arlyn Ramos ang mga netizen ng malaman na siya ay nakapagtapos at isa rin sa nagtapos bilang Dean’s Lister,sa kanyang pinapasukang paaralan sa kursong BIT major in Food Service Management sa Bulacan State University (BSU),siya ay nakapagtapos ng pag aaral dahil pinagsabay niya ang pagtatrabaho bilang Lady Guard at Estudyante.







Makikita sa larawan ni Arlyn Ramos na siya at ay nakasuot ng Toga at ang isang litrato naman niya ay naka uniporme bilang isang Lady Guard,Noong 2019 ay kanyang pinagsasabay ang pagtatrabaho bilang Lady Guard at ang pag aaral sa BSU.


Naitampok ang kwento ng buhay ni Arlyn Ramos sa Facebook page ng Bulsu Capture kung saan umani ito ng maraming reaksyon mula sa mga netizen.


Ito ang nakalagay sa caption,“Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayong taon sa kursong BIT major in Food Service Management, at isa ring dean’s lister.''


“2016 nang magsimula akong maging lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula taong 2019.''

Ayon kay Arlyn, naging inspirasyon niya ang kanyang pamilya kaya nagsumikap siya. Kaya naman nagawa niyang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho.

“Naging inspirasyon ko sa pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin.


“Nagsumikap ako magtrabaho at pag-aralin ang sarili ko…”


Dagdag pa niya, pangarap niyang makapagtrabaho sa isang cruise ship. Kaya naman pakiusap niya sa kanyang tatay na magtiyaga munang maghintay. Tutuparin umano niya lahat ng kanyang pangarap upang matulungan ang kanilang pamilya.


“Sa tatay ko po is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sa akin. Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga.”


Saad pa niya,“Pagtiyagaan niya na lang ako kasi ito lang po yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon,” 

COMMENTS

Name

viral,294,
ltr
item
VIRAL NEWS NGAYON: Lady Guard, Nakapagtapos Bilang Dean's lister Sa BSU Dahil Pinagsabay Nito Ang Pag-aaral At Pagtatrabaho.
Lady Guard, Nakapagtapos Bilang Dean's lister Sa BSU Dahil Pinagsabay Nito Ang Pag-aaral At Pagtatrabaho.
https://1.bp.blogspot.com/-nzmhVGUnHro/YVkoi03mU6I/AAAAAAAAGJM/gpOVaw7YQ1UO4myWGNzDLVLKLHucz6LQwCLcBGAsYHQ/s16000/4.png
https://1.bp.blogspot.com/-nzmhVGUnHro/YVkoi03mU6I/AAAAAAAAGJM/gpOVaw7YQ1UO4myWGNzDLVLKLHucz6LQwCLcBGAsYHQ/s72-c/4.png
VIRAL NEWS NGAYON
https://www.viralnewsngayon.info/2021/10/lady-guard-nakapagtapos-bilang-deans.html
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/2021/10/lady-guard-nakapagtapos-bilang-deans.html
true
1462148087577179965
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy