Hinangaan ngayon sa social media ang isang pulis na si PLT Rafael N. Abuan Jr, isang deputy chief sa Dipaculao, Aurora dahil sa pa...
Ayon sa ulat ng tambayan ng Pulis, nananghalian umano noon si Abuan ng dumating ang lola na nagtitinda ng gulay. Dahil may edad na ang matanda at naghahanapbuhay pa rin ito kaya naawa ang pulis sa kanya at hindi nagdalawang isip na ibigay ang kanyang pera sa isang lola na naglalako ng kanyang gulay.
Nilapitan ng pulis ang lola at nagbigay ng pera upang hindi na nito kailangan pang ilako ang tinitindang gulay at upang makauwi na rin ng maaga ang matanda,Marahil ramdam ng pulis ang hirap ng matanda kaya naman nag-alok na siya ng tulong para hindi na ito mahirapan pa sa paglalako at mailayo ito sa banta ng lumalaganap na covid 19.
Sumasaludo sa kanya ang mga netizen dahil sa kanyang angking kabutihan at hiling pa ng mga netizen na marami pang katulad niyang pulis na may mabuting puso na tumutulong sa kapwa.
Basahin ang kabuoang post,
"𝗨𝗠𝗨𝗪𝗜 𝗞𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗢 𝗟𝗢𝗟𝗔"
"Pulis ng Dipaculao MPS, Aurora PPO, nakilalang si PLT RAFAEL N ABUAN, nakita ang isang ginang na nagbebenta ng gulay, dahil sa banta ng COVID19, inabutan nito ng pera upang umuwi na lamang, at mag pahinga na lamang sa bahay at hindi na mapagod pa! SALAMaT SA IYO SIR..‼️"