Naantig ang puso ng mga netizen sa Social Media sa isang lolo na kinilalang si Lito Gabuat na 71-taong gulang ng Barangay Ayudante C...
Naantig ang puso ng mga netizen sa Social Media sa isang lolo na kinilalang si Lito Gabuat na 71-taong gulang ng Barangay Ayudante Candon, Ilocos Sur,dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang alagang aso na kahit na binaha na ang kanilang lugar ay di niya ito iniwan at siya ay nagbabad ng kalahating araw para lamang bantayan ang kanyang pinakamamahal na alagang aso.
Talagang hindi iniwan ni ng isang lolo ang kanyang alagang aso sa binaha nilang lugar sa Candon, Ilocos Sur, pilit isinasalba ng kanyang mga apo ang lolo ngunit hindi ito bastang pumayag hangga't di kasama ang alagang aso dahil pamilya na ang turing ng lolo sa aso kaya naman ganoon na lamang ang pagmamalasakit niya rito.

Talagang hindi iniwan ni ng isang lolo ang kanyang alagang aso sa binaha nilang lugar sa Candon, Ilocos Sur, pilit isinasalba ng kanyang mga apo ang lolo ngunit hindi ito bastang pumayag hangga't di kasama ang alagang aso dahil pamilya na ang turing ng lolo sa aso kaya naman ganoon na lamang ang pagmamalasakit niya rito.
Nagsalita pa ito na kahit anong mangyari, hanggang sa huling hininga niya, kasama pa rin niya ang kanyang aso subalit pilit na siyang inililikas ng kanyang mga apo ngunit ayaw nitong sumama noong una dahil ayaw nitong iwan ang alaga.
Ayon kay Lolo Lito."Pamilya na ang turing ko sa aso ko, kaya kahit anong mangyari magkasama pa rin kami. Kung mamatay man ako, magkasama kami,"
Nasagip sila ng ilan pang mga residente na nagtulungan sa kabila ng mataas pa ring tubig at agad na dinala sa rural health center ang lolo subalit inisip pa rin nito ang kalagayan ng kanyang aso na kanya pa ring isinama.
May mga taong labis ang pagmamahal sa kanilang alagang aso na kung ituring nila ay para na talagang kaanak.
Maayos na ang kalagayan ng dalawa at nakabalik na sa kanilang tahanan nang humupa na ang tubig baha.
Hindi nalalayo ang kwento ni Lolo Lito at ng kanyang alaga sa minsan nang natulungan ni Basel Manadil na mag-anak na sinubukan niyang bilhin ang aso,Kahit aaw isang milyong piso pa ang ibigay sa pamilya na nasa kariton lamang nakatira ay hindi nila magawang ipagpalit ito sa alagang aso na mahal na mahal at alagang-alaga ng kanilang anak.