Viral ngayon sa social media ang isang inang si marlyn borabo na taga Isla Pulang Bato Brgy. Bagong Silang, Quezon City, dahil sa ...
Sa panahon ngayon na naapektuhan lahat ng tao na dulot ng pandemya isa na lamang dito ang lalong pagpapahirap ng mga tao dahil sa kawalan ng trabaho lalo na at nagbawas ng empleyado ang maraming kompanya dahil na rin sa pagkalugi nito dulot ng malawakang pandemya.
Dahil rin sa pandemya ay nagiging limitado na ang galaw ng marami sa atin kaya naman mahirap rin para sa ilan kung paano dumiskarte sa buhay lalong lalo na ang mga kababayan natin na kapus palad,at kahit nagbigay naman ang ating pamahalaan ng ayuda sa mga mamamayan subalit ay may iilan naman ang hindi nabigyan at hindi nakatanggap ng ayuda.
Ang naturang post ay ibinahagi ni Lean Javier na nananawagan ng tulong para sa kanyang kamag-anak na si Marlyn Borabo na may sanggol na anak.
Ayon kay Lean, tanging ‘am’ o sabaw ng bigas ang pinapainom sa anak ni Marlyn bilang pamalit sa gatas dahil wala umano silang kakayahang makabili ng gatas at bigas gawa ng lubos na kahirapan at kawalan ng trabaho ng kanyang mister.
Ito ang naturang post:
“Hi. ako po’y humihingi ng unting panahon na basahin po itong aking panawagan sa isang pamilyang hindi makatarungang pang yayari dito sa aming lugar sa Isla Pulang Bato Brgy. Bagong Silang, Quezon City, kakapanganak ng lola ko na si Marlyn Borabo nitong March lang po at yung asawa niya po ay kasalukuyang walang hanap buhay, gawa ngayong C0vid-19.”
“Sila po ay kapuspalad na halos wala na pong pang kain at yung baby po ay nilulutuan na lang ng AM pang palit sa gatas. Kami pong mga kamag-anakan ay wala pong kakayahan na makapag abot kahit kaunting gatas kahit sa pack lamang po sa kadahilanan kahit po kami ay kapus na kapus sa pang araw araw na pangangailangan. Ako po ay humihingi ng kaunting tulong para sa kanila, sana po matulungan po sila.”