Honor Student Na Dating Palaboy,Nakapasa Sa Tatlong Kilalang Universidad Sa UP, La Salle At Ateneo.

Viral ngayon sa Social Media ang isang matalinong estudyante na si Eugene Dela Cruz mula sa Leyte dahil napahanga niya ang mga n...





Viral ngayon sa Social Media ang isang matalinong estudyante na si Eugene Dela Cruz mula sa Leyte dahil napahanga niya ang mga netizen sa kaniyang Report Card at nang nakapasa siya sa tatlong kilalang universidad sa UP, La Salle at Ateneo. Kaya humingi siya ng tulong online upang makabili ng laptop para may magamit sa pasukan.


Na-inspire naman ang mga netizen sa kanyang katatagan at kasipagan dahil sa kabila ng pait na pinagdaanan ay nakapagtapos siya ng high school with high honors,kaniyang ibinahagi ang kwento ng kanyang buhay kung bakit siya humihingi ng tulong.







Ayon sa kanyang post,Upang maunawaan naman ng mga netizen ang kanyang kalagayan ay minabuti niyang ikwenento ang kanyang buhay, humihingi siya ng tulong upang makabili ng laptop at kanyang magamit sa pasukan. 

Limang taong gulang pa lamang siya ng maghiwalay ang kanyang mga magulang at naiwan siya sa poder ng kanyang lola,Sa murang edad pa lamang ay pinagtibay na siya ng kanyang mga karanasan,Nakapagtapos siya ng Second Honor o Ikalawang Karangalang Banggit sa Gregorio del Pilar Elementary School


Ngunit isang pagsubok naman ang kanyang kinaharap ng siya ay mapalayas sa kanilang tahanan. Naging palaboy umano siya at tumira sa lansangan. Naranasan rin niya ang manglimos upang may maibili lamang ng pagkain.


Nang makalipas ang tatlong taon ay ipinadala siya ng kanyang ama sa Leyte. Doon ay nagpa-enroll siya at nag aral sa Hilongos National Vocational School lingid umano sa kaalaman at kagustuhan ng kanyang ama.
 
Sa tulong naman ng kanyang mga Guro at kanyang Paaralan ay nagkaroon siya ng mga raket upang kumita ng pera,Wala man siyang natanggap na tulong mula sa kanyang ama subalit ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral,Nakapagtapos siya ng high school bilang may pinakamataas na karangalan. Dahil rito ay nabigyan siya ng full scholarship sa UP, La Salle at Ateneo.


Labis ang pasasalamat ni Eugene dahil unti unti na niyang naaabot ang kanyang mga parangap. Ngunit sa palapit na pasukan ay nangangailangan siya ng laptop upang may magamit sa pag-aaral,Kaya naman humihingi siya ng tulong online upang makabili laptop at may magamit kapag nagsimula na ang pasukan sa Ateneo de Manila.


Basahin ang kabuoang post:


“Ako po si Eugene Dela Cruz, incoming freshman ng Ateneo De Manila University sa kursong AB Economics [Honors].Sa murang edad na limang taong gula Credit: Eugene Dela Cruz / Facebook ng, naghiwalay ang aking mga magulang. Mula noon, ako’y naiwan sa aking lola (sa side ng aking tatay) at ako’y nag-aral ng elementarya sa Gregorio Del Pilar Elementary School. Ako’y nakapagtapos bilang ‘Ikalawang Karangalang Banggit’ na siya ring ikinaligaya ko sapagkat nais ko itong ialay sa aking mga magulang upang ako’y mapansin — at mahalin. Ngunit matapos lamang ang ilang linggo, ako’y napalayas sa aming tahanan. Nagpalipat-lipat ako ng tirahan at minsa’y nakaranas na rin na matulog sa kalye habang nanghihingi ng limos sa mga dumadaan para lamang makakain ng kahit isang pandesal na siyang magtatawid sa aking gutom para sa araw na iyon. Maaga mang namulat sa mapait na karanasan ng pag-iisa, ako’y hindi hinayaan ng Panginoon na mamatay (maging sa gutom man o kahit anong kapahamakan na maaaring mangyari sa daan). Matapos ang tatlong taon, ako’y pinapunta sa Leyte ng aking ama. Ako’y nagpa-enroll sa isang nalalapit na pampublikong mataas na paaralan (Hilongos National Vocational School) ng hindi lingid sa kaalaman ng aking tatay na siya ring ikinagalit niya sapagkat hindi ito ang kanyang ninanais at hindi rin ito isa sa mga dahilan kung bakit niya ako pinapunta sa Leyte. Ako’y muling naiwan ngunit sa tulong ng aking mga guro, ng paaralan, at ng aking pagsisikap na mag-aral at sustentuhan ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtututor at pagtuturo ng sayaw, naitaguyod ko ang aking sarili at nakapagtapos ng hayskul.

Dulot ng pandemya, nagsara ang mga paaralan na siya ring nag-udyok sa kanila na mag-isip ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Sa nagdaang taon ng pag-aaral (at huling taon sa hayskul), ang aming paarala’y gumamit ng modular distance learning scheme. Sa awa ng Diyos, ako’y nakapagtapos ng “May Pinakamataas na Karangalan” na siya ring kauna-unahang ibinigay sa isang mag-aaral mula ng maipatayo ang Senior High School ng Hilongos National Vocational School. Sa tulong ng aking mga marka, ako ri’y nabibiyayan ng full scholarship sa De La Salle University (BS Applied Economics [Ladderized] at Ateneo De Manila University (AB Economics [Honors]). Ako ri’y nakapasa sa University of the Philippines (Los BaƱos) sa parehong kurso (BS Economics).

Sa kabila ng aking kagalakan sa mga biyayang inihatid ng Panginoon sa akin, ako’y lubos na nangangamba. Bukod sa alam kong ang mga unibersidad na ito’y gagamit ng online learning scheme na kung saan ako’y mangangailangan ng internet connection at laptop, ako ri’y kinakailangang magkaroon ng maintaining grade na alam kong mahirap tuparin lalo na’t wala akong mga kagamitang naaayon para sa learning scheme na ito. Sa katotohanan, ako’y nagsimulang mag-ipon simula noong Setyembre sa pamamagitan ng pagbabawas sa aking pagkain upang makapagtipid at makabawas sa aking gagastusin para sa aking sarili upang ako’y may maitabi na pera sapagkat alam kong hindi magiging madali ang aking pag-aaral kung wala akong laptop ngunit dulot sa scam na nangyari noong Mayo (20,000+), alam kong imposible na ngayon na makapagipon pa akong muli para makabili ako ng laptop na aking magagamit sa nalalapit na pasukan at orientation seminar sa susunod na mga linggo.

Ako ma’y nahihiyang manghingi ng tulong, tila aking kagustuhang makapagtapos ang siyang naguudyok sa akin na gawin ito para lamang makatulong sa aking pamilya sa hinaharap kahit na ganoon man ang aking naging karanasan dulot ng kanilang mga desisyon. Kung kaya’t ako’y kumakatok sa inyong mga puso para sa anumang halaga na siyang makakatulong upang makalikom ako ng sapat na salapi upang makabili ng laptop para sa aking pag-aaral. Kayo’y makaasa na ang inyong tulong ay hindi ko aaksayahin at aking gagamitin sa abot ng makakaya upang makatulong sa iba.Pasensya sa abalang aking naidulot at maraming salamat sa inyong oras.”

-Eugene


COMMENTS

Name

viral,294,
ltr
item
VIRAL NEWS NGAYON: Honor Student Na Dating Palaboy,Nakapasa Sa Tatlong Kilalang Universidad Sa UP, La Salle At Ateneo.
Honor Student Na Dating Palaboy,Nakapasa Sa Tatlong Kilalang Universidad Sa UP, La Salle At Ateneo.
https://1.bp.blogspot.com/-YGNMy1s6ZbE/YVhoJ2-0B7I/AAAAAAAAGI4/Im-C1tXN0MAigYPGnX3U7Y8EnZGnGm1PgCLcBGAsYHQ/s16000/3.png
https://1.bp.blogspot.com/-YGNMy1s6ZbE/YVhoJ2-0B7I/AAAAAAAAGI4/Im-C1tXN0MAigYPGnX3U7Y8EnZGnGm1PgCLcBGAsYHQ/s72-c/3.png
VIRAL NEWS NGAYON
https://www.viralnewsngayon.info/2021/10/honor-student-na-dating-palaboynakapasa.html
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/2021/10/honor-student-na-dating-palaboynakapasa.html
true
1462148087577179965
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy