Napahanga ang mga netizen sa social media dahil sa Larawan na ibinagi ng mahusay na imbensyon ng mga maggugulay sa Benguet upang m...
Napahanga ang mga netizen sa social media dahil sa Larawan na ibinagi ng mahusay na imbensyon ng mga maggugulay sa Benguet upang mas mapadali na maiakyat ang kanilang mga sayote at umani ito ng maraming komento at papuri mula sa mga netizen,Maraming napahanga dahil sa madiskarte nilang imbensyon na makakatulong para mapadali ang kanilang hanap-buhay.
Kung noon ay kailangan pa nilang magbuhat ng mabibigat at magbyahe paakyat sa matarik na bukid ngunit ngayon ang mga magsasaka sa Bengut ay nakaimbento ng improvised na transportasyon na hihila pataas ang kanilang mga gulay na sayote patungo sa taas ng bukid upang maibyahe kaagad ang mga gulay,Hindi na mapapagod sa kakahakot ang mga magsasaka dahil sa kanilang nagawang imbensyon.
Mas naging madali na ang kanilang pagtatrabaho ngayon at mapapanatili pa nilang presko ang kanilang mga sayote at makikita rin kung paano nila ginagawa ang pagbyahe sa mga gulay,Ang gamit nila ay parang lumang motor at nilagyan ng makina na hihila sa lubid para sa mga produkto na nasa kabilang bukid.
Ito ang ilang komento ng mga netizen:
“Very practical and good idea.”
“Kudos to the farmers of Benguet! This should be funded by the government. I hope the next president will focus more on Agriculture.”
“Matagal na yan tramline gamit namin sa benguet, kaso di pinapansin, salamat sa social media. ang mga taga benguet ay masipag at maparaan, d kami umaasa sa goverment pero sana naman mabigyang pansin ito, malaking tulong sa magsasaka. Sana pigilan din pag import ng gulay galing china.“
“Dapat ito yung binibigyan ng halaga ng gobyerno na mabigyan ng magagandang makina para mapabilis ang production. Kung hanggang mano mano parin. Wala mangyayari satin. Yaman natin yan. Tapus tayo pa mag import ng producto.”