Maraming Netizen sa Social Media ang Naantig at bumilib sa dedikasyon ng isang 25-Anyos na si Benny Tomas na mula sa Cagayan, na...
Nais niyang matulungan ang kanyang pamilya kaya sumugal si Benny na pumunta sa Ilocos kahit na walang kamag-anak o kakilala man lang.Dahil pangarap ni Benny na makapagtapos ng kolehiyo ay iginapang niya ang kanyang pag-aaral. Naging balut vendor siya ng limang taon Ilocos Sur habang nag-aaral sa University of Northern Philippines,at noong setyembre taong 2021 si benny tomas ay ganap ng engineer.
Kwento ni Benny.“Nung una na magtitinda ako, parang nahihiya ako. Parang binababa ko yung sarili ko, parang ganoon. Pero na-realize ko na pag ganito ang nagiging feeling ko, wala akong patutunguhan,”
“Kaya kinapalan ko yung mukha ko. Wala namang masama doon sa pagiging balut vendor.”
Tanging siya pa lang ang nakapagtapos ng pag-aaral sa kanilang magkakapatid. magsasaka ang kanyang magulang at siya ay panglima sa siyam na magkakapatid.
Naging inspirasyon niya ang hirap na pinagdadaanan ng kanyang pamilya para hindi sumuko sa kanyang pangarap
“Mahirap po kasi pag tinatawagan ko kasi si Mama, wala po silang ulam. Umuutang na lang sila ganoon. Ang daming utang.”
“Pero someday, alam ko na mawawala lahat iyan.”
Noong nagkaroon na ng pandemya ay mas lalong naging pahirap ito para kay Benny dahil siya ay Nahirapan ng makabenta at may takot rin na baka matamaan ng virus.
Ngunit mas kumapit pa si Benny sa Diyos at ipinagpatuloy ang kanyang nasimulan.
“Parang paulit-ulit, pero I received strength from God. Kaya pag lumalapit ako kay God, nari-renew ko yung strength.”
“Paminsan-minsan masaya, paminsan-minsan nahihirapan, ganoon.”

“Paminsan-minsan gusto ko nang sumuko, pero thank God hindi Niya ako pinabayaan,”
Nagbigay ng payo si Benny sa kabataang kagaya niya na nangangarap rin na maabot ang mga pangarap sa buhay.
“Magtiyaga lang kayo kahit anong hirap. Mahirap talaga ang buhay, pero pag may tiyaga, makakamit mo ang pangarap mo. Pray to the Lord.”.