Napahanga ang mga netizen sa social media ng makita ang larawan ng isang batang babae na kinilalang si May Bayagas, 5 taong gulan...
Napahanga ang mga netizen sa social media ng makita ang larawan ng isang batang babae na kinilalang si May Bayagas, 5 taong gulang na matiyagang nag-aaral sa ilalim ng puno ang pamilya ni May ay nakatira lamang sa isang pedicab at tanging pangangalakal ng basura ang tanging hanapbuhay ng kanyang mga magulang.
Sa larawan makikitang nagpapahinga sila kaya naman ang batang babae ay sumilong muna sa ilalim ng isang puno upang masagutan ang takdang-aralin at kitang kita naman sa larawan na masipag niyang sinasagutan ang kanyang mga modules
Si may ay tinulungan ng kanyang ina sa pagsasagot ng modules at kasama ng kanyang ina ang nakababatang kapatid
Sa kanilang pedicab na rin sila kumakain at natutulog dahil wala silang bahay na mauuwian kaya naman limitado lang rin ang kanilang gamit at sakay ng kanilang pedicab araw-araw na naghahanap ng makakalakal ang pamilya ni May.
natuwa naman ang mga netizen sa pagsusumikap ni May sa pag-aaral nawa'y maging inspirasyon ang kanyang kasipagan para sa lahat ng mga estudyante na sa kabila ng katayuan nila ay hindi siya nakakalimot na pagtuonan ng pansin ang kanyang pag-aaral.
Kahanga-hanga ang kanyang kagustuhang makapag-aral dahil kahit marami siyang kulang na gamit sa pag-aaral ay hindi ito naging hadlang sa kanya upang pabayaan ang kanyang pag-aaral.
Sa tulong naman ng Unang Hirit program ay nagpaabot sila ng mga gamit sa pag-aaral ng bata at bukod pa rito ay namigay rin sila ng grocery items para sa buong pamilya ng bata.
Malaking tulong na ito para sa kanilang pang araw araw at hindi na mamomoblema pa kung saan kukuha ng pera para makabili ng kanilang makakain at laking pasasalamat naman ng pamilya ni May dahil nabiyayaan sila ng maraming pagkain.