Viral ngayon sa Social Media ang larawan ng isang batang lalaki na kinilalang si Samuel E. Miguel 10taong gulang na nagtitinda ng ba...
Hindi kailanman matatawaran ang kaligayahan ng pagiging isang bata,Sinasabi ngang ang pinakamasayang yugto ng buhay natin ay noong tayo ay musmos pa lamang yung tipong wala kang alam sa kaguluhan ng mundo.
Iiyak ka lang kapag nadapa ka at tatawa ka lang kapag kiniliti ka napakainosente ng mundo ng mga bata at kung puwede lang bumalik sa panahong ito ay tiyak na gagawin ng lahat.
Ang tanging kailangan lang nilang gawin ay mag-aral at maglaro masayang kapaligiran, maayos na tirahan at sapat na pagkain at higit sa lahat ay maging masaya at makapaglaro kung kailan man nila naisin.
Subalit tila may ibang bata na hindi dinaranas ang mga bagay na ito at sadyang nakakalungkot isipin na hindi lahat ay pinalad na maging isang musmos na malaya at sa murang edad ay kailangan ng maghanap-buhay upang tumulong sa kanilang pamilya.

Ang iba ay kailangang huminto ng pag-aaral at kalimutan muna ang paglalaro at akuin ang isang responsibilidad na dapat sana ay para sa kanyang mga magulang at kapamilyang mas nakatatanda.
Tulad na lamang ng isang batang si Samuel na sa murang edad ay kinakailangan ng maghanap-buhay para diumano maipagamot at maoperahan ang kanyang nanay na stroke.
Ayon sa netizen na si Jane Ashley Jimenez na nagbahagi ng istorya ng bata sadyang tumutulong na diumano ang bata sa nanay nito na magbenta ng balot sa kanilang lugar ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nabagok ang nanay nito at na strσкε.
Nanawagan din si Jimenez na sana ay tulungan ang bata at kung sino man ang nais mag-paabot ng tulong ay ipagbigay alam na lamang sa kanya.
Ito Ang Naturang Post:
"Baka po may gustong tumulong sakanya nagtitinda sya ng balot araw araw siya nadaan dito sa colayco na kasama mama niya kaso nαbαgσк mama niya and na half strσкε yung mama niya.Samuel E. Miguel, 10 years old palang siya nagtitinda siya para raw may pang opera yung mama niya,Sa mga gusto pong tumulong paki pm nalang po ako maraming salamat”,