Ang batang mangyan ay umagaw ng atensyon ng mga netizen nang magbigay ng kalahating sakong kamote na donasyon sa isang Community ...

Ang batang mangyan ay umagaw ng atensyon ng mga netizen nang magbigay ng kalahating sakong kamote na donasyon sa isang Community Pantry sa Sta,Cruz. Occidental Mindoro,Bumilib ang nag-organisa ng community pantry dahil sa murang edad ay may malasakit na ito sa kanyang kapwa at dahil sa kanyang kabutihang puso siya makakatanggap ng full Scholarship mula Elementary hanggang mag Kolehiyo.
At bilang kagawaran sa kagandahang loob ng batang si Cornelio Sinagmayon ng tribung alangan mangyan ng Sta. Cruz, Occidental mindoro siya ay hinangaan at makakatanggap ng buong scholarship mula elementarya hanggang kolehiyo
Ang organizer na si John Christopher Lara ay napahanga dahil sa magbibigay ng inspirasyon ang bata at sa iba at magiging isang magandang ehemplo.
Ang batang mangyan na si Cornelio Sinagmayon kahit na hirap na sila sa buhay ay hindi pa rin nakakalimutan ng bata na magbahagi sa iba pang nangangailangan,Naging maganda ang pagpapalaki ng magulang niya sa kanya dahil kahit bata pa lamang ay iniisip na niya kung paano makakatulong sa ibang nangangailangan.
Bumuhos ang pag Puso ng mga netizen sa social media dahil sa kabutihang loob ng bata.At kung sino pa ang tunay na walang wala sila pa itong nakakagawa ng paraan para makatulong sa iba,
Ang bata ay 9 taong gulang pa lamang pero may puso na itong mapagbigay sa kapwa.Nagdonate siya ng halos kalahating sako ng kamote bilang tulong sa ibang nangangailangan ngayong pandemya.
Madame ngayon ang ating kababayan na nahihirapan at hikahos sa buhay na lalong naghihirap, kahit ganon pa man ay itatak natin sa ating kaisipan ang maging mapagbigay at mapagmalasakit sa ating kapwa.