Viral ngayon sa social media ang post ng isang estudyante nang pagtulong ng isang security guard upang may maibili ng pagkain an...
Ibinahagi ni John Boy Zapico Saldivia,ang pera na sanay kukunin niya sa isang remmitance ay hiniram niya lamang sa isang kaibigan ngunit hindi niya ito nakuha dahil sa nagsara nanga ang remittance at sya ay nanatili sa remittance at nakipagkwentuhan sa sekyu ng palawan pawnshop sa aklan,at nung malaman nito ang kwento ng kanyang buhay ay naawa ito sa binata.
Ang sekyu umano ay nag abot ng isang daang piso para may maipangbili ng ulam ang binata panghapunan ,tinanggihan pa ito ng binata nung una at ang kanyang dahilan ay isang gabi lamang siya magtitiis.
ang kwento ni John Boy Zapico Saldivia,“Naku, paano mamaya ang pang ulam mo? May bigas ka pa naman na lutuin mo mamaya? Sagot naman niya, ‘Okay lang po sir, isang gabi lang naman’,”
Ilang sandali pa umano siyang nanatili sa remittance ng mag-abot ng pera ang sekyu. Tanging sinabi lang nito sa kanya na ibalik na lamang ito kapag matagumpay na umano siya.
“Iho oh, tanggapin mo to pang hapunan mo mamaya… balik mo na lang sakin yan pag maging successful ka na.”
napag isip isip ni john. minsan lamang siya makatagpo ng ganitong tao na handang tumulong sa taong nangangailngan
“Ayaw ko sana tanggapin kaso yung naalala ko na minsan lang ang taong ganyan ang concern sa kapwa. Tinanggap ko na lang tsaka masaya sya na inabot sakin yun.”
Labis ang kanyang pasasalamat sa sekyu dahil sa kaunting halaga ay tinulungan pa rin siya. Kahit na may pamilya rin ito ay hindi ito nag dalawang isip na tumulong .
“Ayaw ko sana aminin sa kanya yung tanong na, paano yung pang ulam mo? May bigas ka pa ba sa boarding house mo pang hapunan? Kaso parang nahiya naman ako pag sabihin ko na oo. Sabi ko nalang, OK lang Sir, isang gabi lang naman kaya busog pa naman ako.”
dagdag pa nya “Siguro yun naawa siya sakin. Sanay kasi ako na ‘pag wala ako pambili ng pagkain o bigas, natutulog na lang ako sa gabi kaya medyo di na ‘yun sa’kin bago,”
ang binata na si John Boy Zapico Saldivia ay isang Criminology Student, ang kwento niya siya ang pangalawang panganay sa siyam na magkakapatid at nagsusumikap siya umano upang matulungan ang kanyang pamilya at maiahon ito sa hirap ng buhay.