Nagulantang ang sambayanang Pilipino ng ianunsyo ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang kanyang balak na pagtakbo sa pinaka-m...
Nagulantang ang sambayanang Pilipino ng ianunsyo ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang kanyang balak na pagtakbo sa pinaka-mataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na halalan.pormal niyang idiniklara ang kanyang kandidatura sa pinaka-mataas na pwesto sa gobyerno at kanyang nabanggit ang kanyang mga posibleng maging kalaban sa susunod na halalan.
Sinabi niya pa na hindi siya naging bastos at hindi niya minumura ang Panginoon.Tila pagpapasaring ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na matatandaang pinuna rin si Isko moreno at binansagan na parang isang callboy. "Buong kababaang-loob inihahayag ko sa inyo mga kababayan ko, sa darating na Mayo, tanggapin niyo po ang aking aplikasyon bilang pangulo ng Pilipinas,” ani Moreno.
“Bagamat balot ako ng dumi sa katawan, ni minsan, hindi ko kailangan sabunin ang aking bibig. “At sa kalagitnaan ng paghihikahos, ng matinding gutom na mas malakas pa ang hilab ng tiyan kesa sa aking dasal, ni minsan, hindi ako nagtampo sa Diyos." “Hindi ko Siya minura, hindi ko Siya tinalikuran at ang Kanyang mga alagad, hindi ko inalipusta." “Sapagkat hindi natitinag ang paniwala ko sa Poong Maykapal na suklian ang iyong pagsisikap ng mga biyayang ninanais mo." Ayon kay Isko Moreno
.“So, since the first time I laid my hands on the Bible as I recited my oath of office, this has always been my fighting faith—nasa bayan ang tiwala, sa hinalal ang gawa, nasa Diyos ang awa,” Pasaring niyang sinabi na hindi siya anak ng Presidente na posibleng patama niya sa alkalde ng Davao City Mayor na si Mayor Inday Sara Duterte. “I don’t belong to a large clan. I am neither son nor daughter of a President,” hugot ni Isko." Sa nasabing pasaring ni Isko Moreno wala pang pahayag dito ang Pangulo at si Inday Sara Duterte.