Sa improvised zipline na lamang isinakay ang isang kabaong ng 98- anyos na resisdente upang maitawid sa ilong, sa Hacienda Pulo,...
Sa improvised zipline na lamang isinakay ang isang kabaong ng 98- anyos na resisdente upang maitawid sa ilong, sa Hacienda Pulo, Malisbog 1 sa Silay City, Negros Occidental. Wala kasing tulay sa kanilang lugar matapos masira noong pang Enero ng dahil sa flashflood ayon sa mga residente.
>
Dahil nga sa kawalan ng tulay doon sa nasabing lugar ay, napilitan na lamang silang gawin ito para maitawid ang naturang kabaong ng residente. Ayon sa kwento ng mga nakasaksi ay tinaliang muna daw umano nila ito ng mahigpit bago ito dahan dahang hinila papunta sa kabilang panig ng improvised zipline. Medyo mahangin pa daw ng mga oras nayon kaya nariyan pang medyo umalog alog ang kabaong ng sinimulan ng itawid.Matapos maitawid ng kabaong ay sunod namang itinawid ang mga kagamitang gagamitin sa pag burol. Ayon sa nakatira doon ay simula noong nasira ang tulay na ginagamit nila noon ay napipilitan na raw ang mga residente na tumawid gamit ang improvised zipline para lamang makatawid sa ilog.
Sa ngayon ay habang wala pang tugon sa kanilang hinaing na magkaroon ng tulay, ay patuloy parin nilang gagamitin at sasakyan ang improvised zipline upang tumawid sa ilog.