Bakit nga ba may mga magulang na kinakayang iwan na lamang basta-basta ang kanilang mga anak, na dapat ay kanilang ginagawa ay pinap...
Bakit nga ba may mga magulang na kinakayang iwan na lamang basta-basta ang kanilang mga anak, na dapat ay kanilang ginagawa ay pinapakain, pinag-aaral at inaalagaan ng mabuti ang kanilang mga anak.ang bawat bata ay may karapatan kaya kung sino man ang mga pabayang magulang ay maaaring mananagot sa batas.
Sa panahon ngayon ng pandemya ay napakahirap ng buhay maraming negosyo at establisyemento ang nagsara kaya naman ang mga tao ay walang regular na trabaho, hindi pa lubos na matukoy kung anong pwedeng gawing panlunas sa lumalaganap na sakit na Covid-19.
Kaya sila ay naulila na sapagkat ang kanilang ama ay pumanaw na noong agosto lamang habang ang kanila namang ina ay sumama na sa ibang lalaki
Para sila ay makakain at mabuhay kinakailangan ng panganay sa kanila pumalaot araw araw para maitawid nila ang kanilang gutom sa pang araw araw.
Ibinahagai ng kanilang nagmamalasakit na kapit-bahay na si Jopay De Guia ang kwento ng kanilang buhay sa isang post.
Nais man nilang tulungan ang magkakapatid ay hindi rin nila magawa dahil pare parehas lamang silang walang wala,nakakaramdam umano siya ng lungkot at awa dahil sa kalagayan ng mga bata na madalas ay kumakalam ang tiyan at nagpapalipas na lamang ng gutom
Maraming netizens ang nakakita at nakabasa ng post ni Jopay, sa awa ng Diyos ay madami ang nagnanais na tumulong sa kanila.at ang iba naman ay mention na ng mga pribadong tao at programang naglalayong tumulong .