Mahirap mawalay sa pamilya ngunit dahil sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan nang magsakripisyo para sa kinabukasan ng pamilya at k...
Mahirap mawalay sa pamilya ngunit dahil sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan nang magsakripisyo para sa kinabukasan ng pamilya at kahit mabigat sa kalooban na maiiwan ang mga mahal sa buhay ay kailangan pa rin ng tibay at lakas ng loob para sa pangingibang bayan katulad na lamang ng nangyari sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Riyadh na si Engineer Romeo Ordaz.
Masakit para sa isang OFW na ang lahat ng kanyang mga pinaghirapan ng ilang taon sa ibang bansa ay mawawala na lamang na parang bula na dapat sana ay maiibsan lahat ng hirap nito sa ibang bansa kapag umuwi ito nang makikita niya ang kanyang pamilya at lahat ng kanyang mga pinaghirapan kaya naman masakit para sa isang OFW na lahat ng kanyang mga pinag hirapan para sa kanyang pamilya ay hindi natutumbasan.
Nag-Viral sa Social Media ang isang post ng netizen tunkol sa kwento ng OFW na si Engineer Romeo Ordaz.Nakilala ang netizen na nag post na si Mae Regala, ayon sa kanya nakita raw niya at ng kanyang ina si Ordaz sa SM Southmall na mukhang malungkot at may dinaramdam at kanila itong kinausap sa kanilang pakikipag kwentuhan kay Ordaz ay nalaman ng netizen na umuwi ng Pilipinas ang OFW mula Riyadh noon pang 2011 simula noon ay hindi na kailanman nakita nito ang kanyang pamilya at wala na raw ang kanilang bahay sa kanilang lugar.
Ang hindi rin sigurado ni Ordaz kung buhay pa nga ba ang kanyang mga magulang na sina Arturo Ordaz at Conchita Ordaz. Wala siyang asawa at anak, ngunit mayroon naman raw siyang mangilan ngilang kamag-anak dito sa Pinas.nakakalungkot din isipin na sa kabila ng kanyang sinapit na pangungulila ay Mayroong rin mga taong tumangay sa kanyang pera.
Nakalulungkot ang sinapit nitong OFW at marami sa mga netizen ang may kanya-kanyang komento patungkol sa sinapit ni Tatay.
“Kawawa naman nagpakahirap yung tatay para sa kanila tapos ganun gawin nila. Alam ko at ramdam ko ang hirap ng nasa ibang bansa sobrang hirap pero kakayanin alang-alang sa pamilya na gustong bigyan ng magandang buhay. Dapat pagmamahal man lang nilaanan nila kawawa. May paraan si Lord para sa kanya at mapapabuti pa din yan siya kasi mabuti namang tao si tatay.”
“Mayroong malalim na dahilan bakit nangyari sa buhay niya yan. Wag muna tayo manghusga from both sides.”
“Ito ang masakit na katotohanan karamihan sa mga OFW lahat ng pagod natin pinapadala natin sa pamilya natin na hindi man lang tayo magtabi ng para sa sarili natin, lahat ng sahod natin pinapadala natin sa mga kamag-anak natin hanggang sa tumanda na tayo sa abroad na walang ipon, lesson ‘to sa mga tulad kung OFW, magtabi po tayo kahit konti lang para sa healthcare natin para pag may karamdaman man tayo hindi tayo kawawa, mag aral po tayo ng financial literacy para alam natin kung saan natin ilagay ang perang pinagpaguran natin, para pagdating ng araw na di natin kaya magtrabaho or kung may karamdaman man tayo may madukot na tayo at may magamit na tayo.”
“Huwag po muna tayo manghusga kasi di natin alam ang tunay na dahilan kung bakit pagbalik niya wala na yung pamilya niya, di po natin alam malay natin baka naman po nung nasa malayo siya nakalimutan din niya mga mahal niya sa buhay lalo na ang kanyang mga magulang kasi diba sabi wala siyang anak at asawa, imposible naman na pati bahay nila wala na pag-uwi niya kung maayos naman ang kanilang relasyon bilang isang anak at magulang dapat alam niya ang nangyayari sa iniwan niyang pamilya dito sa Pinas, meron po kasi nag-aabroad na nakakalimutan ang iniwan niyang pamilya.”
“Lesson dito, magtira sa sarili, wag bigay ng buo ang sweldo sa pamilya, kawawa ka in the end.”