Viral sa social media ngayon ang video ng isang ina na binigyan ng kanyang anak ng isang milyong piso,Sa isang kwarto makikita na pu...
Viral sa social media ngayon ang video ng isang ina na binigyan ng kanyang anak ng isang milyong piso,Sa isang kwarto makikita na punong puno ito ng salapi na nagkakahalaga ng isang milyong piso,ayon sa kanyang anak noong bata pa lamang sya ay pangarap na niya ang gawing isang milyonaryo ang kanyang ina.
Sa kabila ng lahat ng hirap na kanilang pinagdaanan ay nagsumikap ang kanilang ina upang maitaguyod sila, bilang pagpapasalamat sa kanilang ina sinikap rin niyang mabigyan ng malaking halaga ng pera ang kanyang ina.
Maraming netizen ang napa-sana all sa inang ina na nabigyan ng kanyang anak ng pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso -Masasaksihan sa video na pinapapili pa ang kanilang ina kung Php100,000 o isang package bilang regalo sa kanyang kaarawan
Makikita rin sa video na nagdadalawang isip pa ang kanyang ina kung kukunin ba nya ang iniaabot na isang daang libong piso.
Noong maipakita na sa kanya ang silid na punong puno at may lamang limpak limpak na pera halos di makapanila ang ina dahil ang lahat ng sulok sa kwarto ay mayroong pera.
Sa isang post ng Kapuso Mo, Jessica Soho,ibinahagi ng kanyang anak na si Lou na simula bata pa lamang siya ay pangarap na niyang gawing milyonarya ang kanilang napakasipag na ina.
Ang anak ay aminadong mahirap ang kanilang buhay noon at ito ang naging dahilan para siya ay magsumikap at masuklian ang lahat ng pagsisikap ng kanilang ina para maitaguyod silang magkakapatid.
"Bata pa lang kasi ako, pangarap ko nang mabigyan ng isang milyon ang aking ina. Gusto ko maging instant millionaire siya bago siya mawala sa mundong ito."