Ang buhay ng isang tao ay maihahalintulad sa isang gulong na minsan ay nasa ilalim at minsan naman ay nasa ibabaw nangangahulugan...
Ang buhay ng isang tao ay maihahalintulad sa isang gulong na minsan ay nasa ilalim at minsan naman ay nasa ibabaw nangangahulugan lang ito na walang permanente sa mundo,lahat ng ating natatamo ngayon ay pwedeng bumaliktad kung ikaw ay nasa itaas baka dimo namamalayan na unti unti ka na palang bumabagsak.
Kwento ng isang Lola na dating Punong Guro sa paaralang kanyang pinapasukan at ngayon nama'y isa na lamang Janitress,maraming naawa at nagulantang sa naging trabaho ng isang lola na Principal noon sa paaralan na kaniyang tinuturing na tahanan at ngayon naman ay isa na lamang siyang Janitress.
Si Lola Pacita Piano na mas kilala sa tawag na "Pacing" ay 84-anyos,inalala umano siya ng dating mga kasamahan sa pagtuturo at mga estudyanteng kanyang mga naturuan bilang isang istriktang ngunit mabait na guro sa loob ng 40 taon na pagtuturo at 5 taon na pagiging pagiging Punong-Guro ng magretiro si nanay pacing noong taong 2000 kinaya niyang mamuhay ng maganda dahil sa kanyang natatanggap na pension at retirement plan nakapagpagawa siya ng bahay para sa kanyang pamilya at nakapagpautang sa mga taong humihingi ng tulong pinansyal sa kanya.
Wala ng magawa si Nanay Pacing kung hinde magtrabaho na lamang muli sa kabila ng kanyang edad na 84-taong gulang dahil sa ang kanyang anak na inaasahan niya na tutulong sa kanya ay napabarkada at nagkaroon ng masamang bisyo.
ang Lola na si Nanay Pacing ngayon ay nagtatrabaho muli bilang Janitress at sumasahod ng 2,500 pesos sa loob ng isang buwan subalit wala umano siyang sama ng loob sa kanyang anak at sa mga taong may pagkakautang sa kaniya dahil maluwag niya umanong tinanggap ang kapalaran na itinakda ng Panginoon para sa kanya.
Sana ay muli po kayong makabangon at makaahon sa hirap ng buhay basta alam niyong mabuti ang inyong ginagawa ay tiyak na ipagkakaloob s inyo ng Panginoon ang buhay na maayos para sa inyo...