Isang Lola, Ang Nagkanda Kuba-Kuba Dahil Sa Pagtitinda Ng Puto Upang May Makain.

Viral sa Social Media ang mga kaawa-awang larawan ng matatanda na sa kabila ng edad nila ay patuloy parin silang naghahanap buhay,...



Viral sa Social Media ang mga kaawa-awang larawan ng matatanda na sa kabila ng edad nila ay patuloy parin silang naghahanap buhay, subalit nakakaawa at makirot sa dibdib na masilayan na sila ay nahihirapan sa ganoong sitwasyon,ang mga matatanda dapat ay nasa kani kanilang tahanan upang magpahinga at makasama ang mga mahal nila sa buhay ngunit dahil sa kahirapan ng buhay ay napipilitan pa rin silang magtrabaho.


Ang mga magulang ay dapat na kusang sinusuklian ang lahat ng kanilang mga paghihirap at pagmamahal sa kanilang pamilya,katulad na lamang ng isang matanda na nag-Viral sa Social media matapos makuhaan ng litrato habang nagtitinda ng kanyang mga panindang puto sa kabila ng kanyang edad at sitwasyon niyang nagkanda kuba kuba dahil sa paglalakad.





Si Lola ay nagtitinda na nang kanyang panindang puto madaling araw pa lamang, makikita rin sa mukha ni Lola na siya ay hirap na hirap na ngunit pinipilit niya pa rin na kayanin para lamang mabuhay, at nanatiling masipag si Lola sa pagtitinda ng puto sa kabila ng kanyang sitwasyon.



Ayon sa post na nagbahagi ng larawang ito ni Lola. isang netizen daw ang nakakita kay Lola sa daan na matiyagang inilalako ang mga paninda nitong puto. Naawa ang netizen kay Lola kaya naman naisip nitong bigyan si Lola ng P100 dahil naaawa din siya sa kalagayan ng matanda.



Nang iabot na daw ng netizen ang pera, laking gulat na lamang nito nang abutan siya ni Lola ng tatlong balot ng puto ngunit hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya na itinda na lamang ni Lola ang ibibigay sa kaniya para pandagdag na din sa kita niya at ang pera naman na ibinigay niya dito ay tulong na niya sa matanda.


Labis ang tuwa ng matanda at nagpapasalamat sa mga taong tumutulong sa kanya at sinabing ipagdarasal niya umano ang mga ito.subalit lubos ang kagalakan ng netizen dahil ika niya masarap kalooban ng tulong ang matanda kahit sa simpleng paraan lamang.

Ito Ang Orihinal Na Post:



“MARAMI TAYONG MGA PINAPASIKAT NA WALANG KWENTANG BAGAY SA FB, BAKIT DI NA LANG NATIN IKALAT SI NANAY NG SA GANUN MATULUNGAN."


Nakasabay ko lamang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda po siya ng puto tuwing madalingaraw. Kahit na po ganyan na ang katawan nya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin nya ang dalawang apo nya na iniwan ng anak nya sa kanya  Grabe naiyak ako sa kuwento niya.... binigyan ko na lang ng 100 pesos at sabay bigay niya sa akin ang 3 plastic na puto, sinabi q huwag na nay tinda mo na lang yan pandagdag sa kita nyo at pagtyagaan mo nlang yan dahil yan lang ang laman ng wallet q. Natuwa naman si nanay at ipagdadasal daw nya ako. Ang sarap ng pakiramdam na sa kunting halaga lang may napasaya kang tao. Magkikita pa rin tayo nay tuwing umaga. Salamat po sa pag share ninyo sa page ninyong Matalinong Matsing kay nanay na sana maipakalat ninyo at maabutan man lang siya ng kaunting tulong. Sana pag nakita ninyo siya sa madaling araw ay bilhin nyo na lahat ng puto ni nanay.

CTTO”




COMMENTS

Name

viral,294,
ltr
item
VIRAL NEWS NGAYON: Isang Lola, Ang Nagkanda Kuba-Kuba Dahil Sa Pagtitinda Ng Puto Upang May Makain.
Isang Lola, Ang Nagkanda Kuba-Kuba Dahil Sa Pagtitinda Ng Puto Upang May Makain.
https://1.bp.blogspot.com/-6kHyJpCr8F0/YU7fOsyhdWI/AAAAAAAAGA8/7nNwFvRHao4yIOnF1iAp7PTDuELAjIK3gCLcBGAsYHQ/s16000/22.png
https://1.bp.blogspot.com/-6kHyJpCr8F0/YU7fOsyhdWI/AAAAAAAAGA8/7nNwFvRHao4yIOnF1iAp7PTDuELAjIK3gCLcBGAsYHQ/s72-c/22.png
VIRAL NEWS NGAYON
https://www.viralnewsngayon.info/2021/09/isang-lola-ang-nagkanda-kuba-kuba-dahil.html
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/2021/09/isang-lola-ang-nagkanda-kuba-kuba-dahil.html
true
1462148087577179965
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy