Isang lalaki ang nagsusumikap na maibenta ang kanyang sariling mga ginawang obra upang makatulong sa pagpapagamot ng kanyang pama...
Napabilib ang mga netizen sa social media ng makita ang mga litrato ng mga gawang obra ni Christian. Kwento nya,kailangan niyang kumayod para masuportahan ang kanilang pamilya dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.
Pumanaw na ang kanyang Tatay at ang kanyang Nanay naman ay marami narin itong iniindang sakit kaya hindi na ito makakapaghanapbuhay pa.
Sinabi pa ni Christian, doble kayod siya ngayon dahil ang kanyang dalawang buwang gulang na pamangkin ay may sakit, Ang kanyang angking galing sa pagguhit ang kanyang paraan ngayon upang kumita ng pera.
Dati siyang isang construction worker sa Laguna, ngunit nawalan siya ng trabaho ng magsimulang lumaganap ang pandemya sa pilipinas dahil dito nahirapan na siyang maghanap ng ibang trabaho o mapagkakakitaan kaya naman binalikan niya ang kanyang hilig sa pagguhit at paggawa ng mga obra.
![]() |
Siya ngayon ay patuloy na gumuguhit at kanyang ibinebenta sa online ang kanyang mga obra.ika-niya,siya ay nahihirapan ng makabenta dahil sa matumal na ang nagpapagawa.
Ang kanyang pamangkin na sanggol ay nasa ospital ngayon sa kadahilanang nagkaroon ito ng sakit na pneumonia.at kinailangan nang lagyan ng tubo dahil sa nahihirapan na itong huminga.
Masyadong kumplikado ang dinaranas ng kanilang pamilya ngayon,Subalit hindi parin nawawalan ng pag-asa si Christian.
Siya ay nagsusumikap ngayon para sa kanyang pamangkin na may iniindang karamdaman.kahit siya ay nakakaranas na ng matinding pagod at puyat pinipilit niya parin na matapos ang kanyang iginuguhit para kumita ng pera.
Naging inspirasyon niya ngayon ang pinagdaanan ni Madam Inutz kung saan nagsimula lang ito bilang online seller ngunit ngayon ay sikat na sikat na.
Ika niya, kailangan niya lang maging masipag at matiyaga sa buhay balang araw makakamit niya rin ang kaniyang mga mithiin sa buhay.
Ika ni Christian “Kung saan-saan po ako nagpo-post. Kahit marami nakakakita, iilan lang naman po ‘yung nagpapagawa ng art. Pero hindi po ako susuko".
Ginagawa niya ang mga ito upang mailigtas ang buhay ng kanyang pamangkin na si Lira.
Dagdag pa ni Christian.“Parang nu’ng nag-o-online selling si Madam Inutz. Maraming nanonood, pero hindi nagma-mine. Pero nagtiyaga siya hanggang sa nag-boom siya.” “Kaya tinake ko po ‘yun as inspiration na magpatuloy rin. Lahat gagawin ko para maligtas ang pamangkin ko".