Masayang kasalan sana ang plano ng dalawang nagmamahalang mag kasintahang sina James Edem at ang kanyang nobya na si Angela Duria...
Nalalapit na sana ang kasal ng dalawang magkasintahan ngayong setyembre 2 taong 2021, nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayare ay inatake ng hika ang kanyang kasintahan na si James Edem noong agosto 25 taong 2021 kaya hindi natuloy ang inaasahan at pinapangarap ni Angela Durias na kasal.
Matagal na nilang dalawa pinagpaplanuhan ang kanilang simple ngunit masayang kasal .subalit hindi sa ganitong paraan ang inaasahan ni Angela Durias na mangyari subalit kahit sa huling sandali ay ninais parin ng Bride na si Angela Durias na maituloy ang kanilang kasal ng kanyang pinakamamahal na irog.
Isa lang ang kanyang hiling na kahit sa huling sandali ay maikasal sa kanyang pinakamamahal at nagbigay ito ng huling mensahe para sa kanyang irog."Hindi ito ang inimagine kong mangyayari sa araw ng kasal natin.Maraming araw kitang nakikitang napapagod ,Daddy,pero'di kita nakitang sumuko. Ngayon lang". "Alam kong may plano ang Panginoon para sa atin,lalong-lalo na para sa mga anak natin. Alam naming anghel ka na namin ngayon." Pebrero ng Taong 2020 pa ay nag pa book na ang dalawang magkasintahan na sa buwan ng hulyo ,18 2020 ay idineklara na nilang sila ay ikakasal,subalit nang dahil sa pandemya ito ay naudlot hanggang sa napag desisyunan na ng magkasintahan na sa susunod na taon na lamang sila magpapakasal ngunit ito ay malabo ng mangyari dahil ang kasintahan nyang si James Edem ay sumakabilang buhay na at tanging mga masasayang ala-ala at mga anak na lamang ang kanyang naiwan sa Mapapangasawang si Angela Durias.