Isang ginang ang namatay matapos ma-hit and run at takbuhan ng di kilalang suspek. Lubos na nagdadalamhati ngayon ang kanya...
Isang ginang ang namatay matapos ma-hit and run at takbuhan ng di kilalang suspek. Lubos na nagdadalamhati ngayon ang kanyang asawa at mga anak na naulila dahil sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay, at ang kanyang asawa ay humihingi ng tulong upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Ang pahayag ng mister ng biktima,"Kung sino kamang nakabangga sa asawa ko, salamat sa pag hit and run mo dahil sa iyo naiwan ng asawa ko ang aming maliliit pang mga anak sana'y nakakayanan ng kunsensya mo," dagdag pa nya."Ang ginawa mo dahil kahit lumitaw ka at akuin mo ang kasalanan mo kahit bayaran mo ang danyos saamin hindi mona maibabalik ang buhay ng asawa ko.
Madilim sa pinangyarihan ng aksidente at hindi rin matukoy ang pagkakakilanlan kung anong uri ng sasakyan ang nakabangga sa ginang.Ang "Hit and Run" ay tawag sa kasong nakabangga at tinakbuhan ang nabangga at dapat itong tulungan "on the spot". Samakatuwid, ay hindi dapat takasan ang kanyang pananagutan dahil maaari itong humarap sa patong patong na kaso.