Dumurog at pumukaw sa atensyon ng mga netizen sa social media ang larawan ng isang ginang na inabandona ng kanyang mga ka-anak sa ...
Dumurog at pumukaw sa atensyon ng mga netizen sa social media ang larawan ng isang ginang na inabandona ng kanyang mga ka-anak sa kabila ng kanyang edad at kalagayan na animoy buto’t balat na ang pangangatawan, bakas din sa mukha ng ginang na may dinaramdam itong sakit sa kanyang katawan.
Magmula sa siyam na buwang pagbubuntis at pag-iingat hanggang sa pagdating natin sa mundong ito ay inalagaan at inalalayan tayo ng ating mga magulang upang mahubog at maging isang mabuting tao.ngunit sa kanilang pagtanda kaya rin ba nating ibalik at suklian ang pagmamahal at sakripisyo na kanilang inialay sa atin?
.
Makikita sa mga larawan ang isang Ginang na nakahiga sa tila bumagsak na billboard sa gilid ng kalsada,kahit marami at matataas na ang mga damo ay makikita rin na medyo mataas ang tubig sa kung saan nakalatag ang billboard, buti na lamang ay walang nangyaring masama sa matanda,sa ibang larawan naman ay makikita
ang ilang frontliners na nakasuot ng PPE habang isinasakay si nanay sa ambulansya.