Puro galos sa katawan ang natamo ng isang food rider na ito dahil sa pagkakasemplang mula sa motor. Bigla na lamang daw kasing tum...
Puro galos sa katawan ang natamo ng isang food rider na ito dahil sa pagkakasemplang mula sa motor. Bigla na lamang daw kasing tumawid ang isang 12- anyos na bata sa kalsada kaya naman ay imbis masasagasaan dapat at mapupuruhan ang bata ay ikinabig nya ang kanyang motor palayo dito, kaya maliit na galos lamang ang natamo ng bata.
Pagkatpos noon ay humito naman daw ang rider at willing makipag usap sa mga kamag anak ng biktima kung kailangan ba na ipagamot pa ang bata, pero bigla na lang daw sumugod ang isa sa mga kamag- anak ng bata at pinagsasapak ang food rider. Mabuti na lamang daw ay naawat sila kaagad. Dinala ang bata sa ospital at hinihingian pa ng 37,000 ng mga kamag anak ng bata ang kawawang delivery rider.
Pilit na pinapapirma sa barangay na dapat na sagutin umano ng food rider ang lahat ng gastusin hanggang sa gumaling ang bata. Sabi naman ng Brgy. Olympia sa Makati ay valid daw iyon para sa hinihinging settlement, kaya naman ang kawawang rider ay wala ng nagawa. Ang hindi daw maitindihan ng food rider ay bakit na kakalabas ang bata samantalanag nasa community quarantine dapat ito at hindi dapat lumabas. Depensa naman ng kamag anak ng bata ay pinapabili lamang daw nila ito ng yelo sa kalapit na tindahan.
Opinyon naman ng mga taong nakakita ay hindi daw makatatungan ang ginawa sa kawawang food rider dahil pagkatapos daw itong bugbugin ay pinag babayad pa daw ito ng libo- libo samantalang simpleng galos lamang daw ang nakuha ng bata.