Masakit man isipin na ang ating mga kababayan ay salat sa buhay at kahit mismong kanilang sarili ay nahihirapang silang tustusan a...
Masakit man isipin na ang ating mga kababayan ay salat sa buhay at kahit mismong kanilang sarili ay nahihirapang silang tustusan ang kanilang pagkain ,nakakalungkot pa lalong isipin kapag ang mga nakaranas nito ay ang mga bata at matatanda samantalang maraming nasasayang na pagkain at may mga taong nakakaranas ng isang beses lamang kumakain sa isang araw at minsan pa ay nalilipasan na ng gutom.
Isa sa nakakaranas ng ganitong kahirapan ay ang isang lola na nasa 83 anyos na at ayon sa rider na kinilalang si Denso Tambyahero o isa ring vlogger na nagbahagi ng nakakaawang kwento ni lola na kanyang nadaanan sa kalsada pananghalian na sa mga oras nayon at lumapit sa kanya ang matanda upang manghingi ng P5 dahil nagugutom na umano ito at agad naman niya itong binigyan ng isang latang biscuit at binigyan rin niya ito ng P500.
Noong mga oras na iyon ay gutom at wala ng makain si lola,mabuti na lamang ay nagkasalubong ang kanilang landas ng isang rider na nagbigay sa kanya ng tulong, Ayon pa kay lola ang kanyang mga anak ay lumayas na at ang kanyang asawa naman ay pumanaw na kaya naman siya na lamang mag isa sa kanilang tahanan,isang lalaki naman ang nagsislbing taga hatid ni lola sa tuwing lumalabas ito ng bahay.
Labis ang pasasalamat ni Lola sa isang rider na nagmagandang loob para siya ay tulungan at nabanggit ni lola na ipagdarasal niya rin ang rider na tumulong sa kanya at sabay sabing mayroon rin na nag-aabot ng tulong sa kanya at ito rin daw ay kanyang ipinagdarasal,makikita rin sa mga mata ni lola ang labis na pagkalungkot habang siya ay nagbabahagi ng kanyang istorya sa kanyang pinagdaraanan sa buhay, maraming netizen ang naawa sa kalagayan ni lola .
“Idol denso sana mapuntahan mo yung bahay ni lola para matulungan mo pa ulit.. mas kelangan nya ng tulong idol.”
“Kawawa naman si nanay,kahit sana mahirÃ¥p ang buhay wag pabayaan ang magulang.”
“Nadur0g ang puso k0 ng makita ko ganyan si Lola. Sana nmn sa mga anak nya pangalagahan nyo mga magulang nyo.”
“P0teks dur0g pus0 ko tulo pa luha ko.”