Viral ngayon sa Social Media ang kalunos-lunos na sinapit ng isang matandang ina sa kanyang anak na di umano ay binuhusan ng kanin...
Viral ngayon sa Social Media ang kalunos-lunos na sinapit ng isang matandang ina sa kanyang anak na di umano ay binuhusan ng kaning baboy,kahit sino man na anak ay walang karapatan na ganon ang gawin sa kanyang magulang lalo na at ang kanyang binabastos ay ang taong nagluwal pa sa kaniya.
Respeto sa ating magulang na bumuhay,nagpalaki at nag alaga sa atin isa sa pinakasimpleng kabayaran na pwede nating ibigay sa kanila,ngunit may pagkakataon na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan o tampuhan ang magulang at anak ay hindi ibig sabihin ay may karapatan na ang anak na bastusin ang kanyang magulang lalong-lalo na ang kaniyang Ina na nagluwal sa kaniya.
Ibinahagi ng isang netizen na si Willie Damasco sa Social Media ang kalunos-lunos na sinapit ng isang matandang ina matapos di umano ay buhusan ng kaning baboy ng kanyang sariling anak.
Ikaniya “85 years old na nanay gibuhusan og lamaw sa iyahang anak na tumboy, tarong ba gud na?!”
Nasaksihan raw ni Willie Damasco ang pangyayaring binuhusan ng kaning baboy nang kaniyang sariling anak na tomboy,Kaning baboy ang tawag sa mga pinagsama-samang panis o sirang pagkain na ipinapakain sa mga baboy kaya ito tinawag na 'kaning baboy'.hindi kaaya aya ang amoy nito at isang malaking kabastusan na ibuhos ito sa kanyang sariling magulang.
Nakakaawang pagmasdan ang sinapit ng matanda na kung titignan ay makikita na puno ito ng kaning baboy mula ulo hanggang paa at habang naglalakad ang matanda ay pinagtitinginan ito ng mga tao dahil sa pambabastos ng kanyang anak na tomboy sa kaniya.
Dahil sa pangyayaring pambabastos kay nanay ay hindi na mapigilan ng mga netizen na magkomento dahil sa nadala ng awa kay nanay at galit sa anak nito:
“Walang awa ang anak niya, dapat magpasalamat siya dahil pinalaki siya ng nanay niya.”
“Ang sama-sama mong anak. Matanda na si nanay binigyan mo pa siya ng hinanakit.”
“Kung di mo siya kayang tingnan bilang nanay mo, sana bilang tao man lang.”
“Dadanasin mo rin yan pag dumating ang araw na ikaw naman ang nasa kalagayan ng anak mo.”
“Ayon sa Bible, sa pangalawang kautusan, igalang mo ang iyong ama’t ina nang sa gayon ay humaba ang buhay mo, di ka ba natatakot paparusuhan ka ng Diyos.”
Hindi maikakaila na nakakadurog ng puso at nakakainit ng ulo ang nangyari sa matanda. Ano man ang dahilan kung bakit nagawa ito ng anak sa kanyang sariling ina ay hindi pa rin makatuwiran ang kanyang ginawa sa kaniyang sariling ina.lahat naman ng hindi pagkakaintindihan ay maaari namang pag-usapan ng maayos, dahil ano man ang mangyari ang magulang ay magulang at nararapat pa rin itong respetuhin.
Ang kwentong ito sana'y maging aral sa lahat ng anak sa mundo. Bilang isang anak, obligasyon nating respetuhin ang ating mga magulang. Hindi man masuklian ng anak ang magulang sa pera o mga materyal na bagay, ang respeto at paggalang ay sapat na para sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal ng magulang nito sa kanyang anak.