Sa kabila ng kalagayan na pagiging bulag at nagtatagalay pa ng ibang kapansanan ay, hindi iyon naging hadlang at naging pabigat u...
Sa kabila ng kalagayan na pagiging bulag at nagtatagalay pa ng ibang kapansanan ay, hindi iyon naging hadlang at naging pabigat upang makatulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagtatapas lamang ng niyog, ang isang 63- anyos na lolo sa Sariaya, Quezon City.
Kwento ni Lolo Felix "Alex" Mercado na taga Brgy. Bucal, Sariaya, Quezon, ay ipinaglihi daw umano sya ng kanyang ina sa isang manikang mayroong mulat na maliliit na mata. Ayon din kay Lolo Alex, kwento daw ng kanyang ina sa kanya ay maliliit at tanging isa lamang daw ang nakakaaninag sa kanyang mga mata noong sya isilang ng kanyang ina.
Ngunit dahil sa hirap ang kanilang kalagayan sa buhay ay kahit na hirap syang makakita at makaaninag ay lakas loob parin syang nag tatagpas ng niyog upang makatulong sa kanyang pamilya higit sa lahat sa kanyang mga magulang. Sabi nya pa ay hindi parin daw sya nawawalan ng pag asa sa kanyang buhay, at ang kanyang tanging hiling ay mabigyan din daw sya ng pension katulad ng kanyang ina na 84- anyos na hanggang ngayon ay nabubuhay at malakas pa.