Agaw- pansin at kinaaliwan ng hindi lang ng kanyang mga mga naging costumer, kundin pati nadin ng maraming mga tao ang isang deliv...
Agaw- pansin at kinaaliwan ng hindi lang ng kanyang mga mga naging costumer, kundin pati nadin ng maraming mga tao ang isang delivery rider sa Palo, Leyte na nag suot ng costume at nag ala Spiderman habang nag dedeliver.
Kinilala ang delivery rider na si Ruel Militante. Kuwento niya, ay nagsimula siyang magsuot ng Spiderman costume nang magkaroon ng pandemic at mayroon syang naging costumer na nagpahatid sa kaniya ng cake at kakantahan ang amang may birthday.
Para daw may dagdag na atraksiyon sa kaniyang gagawin, naisip nyang magbihis ng Spiderman costume. Nang mag-click ang kaniyang pakulo, itinuloy-tuloy na niya ito.Hindi lang daw ang mga costumer ang natutuwa sa kaniyang ginawa, dahil maging ang mga tao na kaniyang nadadaanan ay naaliw rin sa kaniya.