Ito si Glenn Domoguen, isang nurse sa COVID-19 ward sa isa sa mga pangunahing pampublikong ospital sa Maynila. Ibinahagi ng kaniya...
Ito si Glenn Domoguen, isang nurse sa COVID-19 ward sa isa sa mga pangunahing pampublikong ospital sa Maynila. Ibinahagi ng kaniyang asawa na si Che ang mga larawang ito kung saan kita ang mga kulubot sa kaniyang kamay at bakas ng face mask sa kaniyang mukha matapos ang mahabang oras na duty.
Kuwento ni Che, ang dapat na 8-hour shift ng kaniyang mister ay minsan umaabot sa 12-16 oras na halos hindi na makakain o maka-ihi man lang dahil sa dami ng mga pasyente. “Limang oras lang ang tulog, papasok na naman. 12-16 oras na pawisan sa loob ng mainit na PPEs… Delayed SRA, tiis na lang alang-alang sa may mga sakit.” pahayag ni Glenn.
Bilang isang ina at asawa, hindi raw niya maiwasan ang matakot para sa kaniyang pamilya dahil sa araw-araw na pagbubuwis-buhay ni Nurse Glenn at sa posibilidad na matamaan sila ng virus.Dahil isa lang ang kuwarto nila sa bahay, sa sala na lang daw natutulog si Nurse Glenn at hindi sumasabay sa kaniyang mag-ina tuwing kakain sila.
Isa ring IT graduate si Nurse Glenn, pero ayon sa kanya, pinili niyang manatiling maglingkod bilang frontliner dahil kailangan ang mga nurse na tulad niya ngayong pandemya.“Ang pinagdadaanan ngayon ng lahat ng frontliners ay isang napakahirap na sakripisyo na kailangan naming gampanan upang maisagawa ang aming tungkulin sa aming mga pasyente. Hindi kakayanin ng aking konsensya na iwan sila sa gitna ng kahirapan at ganoon din sa mga kasamahan ko sa hospital.” dagdag pa ni Glenn.