Bagong bahay at lupa, pati mga sasakyan at sariling pagawaan ng mga palaman. Ito lang naman ang ilan sa mga bagay na naipundar ni ...
Bagong bahay at lupa, pati mga sasakyan at sariling pagawaan ng mga palaman. Ito lang naman ang ilan sa mga bagay na naipundar ni Tomas Daquiaog, gamit lamang ang P5,000 na puhunan sa kanyang palaman business.
2016 noon ng nauso at nag trending ang yema cake, dahil dito ay naisipan din ni Tom na gumawa nang yema spread. Bilang nag sisimula pa lamang syang mag negosyo noon, ay si Tom ang gumagawa mula sa sales, pagbili ng raw materials, pagluluto at pag dedeliver. Dahil sa kanyang pag sisikap ay pumatok ang kanyang palaman, na hanggang sa makagawa na rin sya nang iba pang mga flavors.
Pero dumaan din daw sa mga pagsubok si Tom. Gayunpaman ay hindi sya pinanghinaan ng loob. Umabot pa ng P10,000 ang nalugi kay Tom ng mapanisan sya ng palaman.Pero para kay Tom, consistency is the key daw sa negosyo. Dahil sa hindi sya sumuko ay napalago nya ang kanyang business at may sarili na syang pagawaan at mga tauhan.
Sa ngayon ay 1,000 hanggang sa 3,000 na bote ng palaman kada araw, ang nagagawa ng pagawaan ni Tom. Mula lamang sa puhunan nyang P5,000, kumikita na sya ngayon ng mahigit na P100,000 kada buwan.