Nagbabala ang Crime Investegation and Detection Group o mas kilala bilang CIDG Palawan sa mga nagbebenta ng mga ukay-ukay o pawang...
Nagbabala ang Crime Investegation and Detection Group o mas kilala bilang CIDG Palawan sa mga nagbebenta ng mga ukay-ukay o pawang mga imported o nagmula sa ibang bansa na mga damit, dahil ito daw ay bawal at labag sa ating bansa.
Ayon kay CIDG Pmaj. Richard John Macachor sa panayam ng Palawan Star ay maaring masundan umano ang kanilang isinagawang entrapment operation kanina sa barangay San Jose lungsod ng Puerto Princesa kung saan ay nakumpiska ng CIDG ang aabot sa P2M ukay-ukay.Kapansin-pansin 'din umano na talamak ang bentahan ng mga ukay-ukay sa lungsod, itoy maaring dahil narin sa mga hindi nakakaalam na bawal ang ganitong uri ng negosyo.
"Para samin itong business na ito sa una palang ay iligal napo ito. Itong mga supplier alam naman nila na iligal ito, but they took advantage 'dun sa mga hindi aware na mga LGU, ang sa amin lang we implement kung ano yung nasa batas," ayon kay Macachor.
"Siguro po, its about time na maliwanagan sila sa batas na talagang pinagbabawal ito sa batas, kailangan mainform ang publiko dahil maari itong makapag dulot ng sakit at may economic impact ito sa mga local manufacturer natin," dagdag pa ni Macachor
Dahil dito ang payo naman ng CIDG sa mga nagnenegosyo ng ganitong uri ng negosyo ay magisip na ng ibang pagkakakitaan dahil maaring masundan pa umano ang kanilang isinasagawang entrapment operation laban sa mga ukay-ukay."Mas maganda mag isip na sila ng panibagong line of business, dahil sa simula pa naman na itong mga used clothes items ay iligal ayon sa batas," ayon kay Macachor