Laking pasalamat ng isang netizen na si Joseph Maquiñana sa isang tricycle driver na walang pag aatubiling nag bigay ng tulong sa ...
Laking pasalamat ng isang netizen na si Joseph Maquiñana sa isang tricycle driver na walang pag aatubiling nag bigay ng tulong sa kanya. Kwento ni Joseph ay dis oras na ng gabi nang siya ay naghihintay ng jeep na masasakyan sa pauwi na sya, ngunit sa tagal na nyang naghihintay doon ay wala paring dumadaan na jeep.
Pero habang nag aabang pa sya ng jeep ay bigla na lamang daw na may dumaan na isang tricycle at inalok syang sumakay doon. Noong pa daw ay nag aalangan pa si Joseph na sumakay dahil natatakot sya dahil baka daw ay delikado at mahal ang sisingilin sa kanya, pero pinilit parin daw sya ng tricycle driver na sumakay.
Inabot ng mahigit 1 oras ang byahe nila sa San Jose Del Monte. 200 ang normal na dapat na ibayad ni Joseph na pamasahe dahil sa layo ng lugar, ngunit isang daan lamang ang ini abot nyang pera sa tricycle driver tsaka daw sumagot ang driver ng “Mahirap na nga ang buhay manlalamang pa ako, sa panahon ngayon ay tayo tayo din naman ang magtutulungan. Makatulong lang ako boss, okay na ako doon,” . Pahayag naman ni Joseph Maquiñana : “Sabi niya sa akin okay na okay na raw po iyon. Pero bago po kami maghiwalay ay pinag-pray ko po siya para makabawi sa kabutihan ng kanyang puso.”
Narito ang kabuuang post ni Joseph tungkol sa tricycle driver:
Pasikatin natin itong tricycle driver na ito.
Ilang minuto akong naghihintay ng masasakyan na jeep pauwi pero walang dumadaan. Sinubukan kong magtanong sayo kung may dumadaan pa bang jeep papuntang towerville ng ganitong oras, pero sabi mo ay baka wala na kasi alanganing oras na. Tapos biglang tinanong mo kung saan ako umuuwi at ipinilit na ihatid mo nalang ako.
Syempre una ay ayoko kasi baka mahal at delikado. Pero nagpumilit ka na ihatid ako kahit magkano nalang ang kaya kong iabot na bayad sabi mo at sabay sabing para makauwi ka na boss. Mula Area E hanggang sa lugar namin sa towerville ay hinatid mo ako at hindi ka nagbigay ng presyo na ibabayad ko, kung magkano nalang ang kaya ko yun ang sabi mo.
Sabay sabing "Mahirap na nga ang buhay manlalamang pa ako, sa panahon ngayon ay tayo tayo din naman ang magtutulungan. Makatulong lang ako boss, okay na ako doon".
Grabe sobrang saludo ako sayo boss! Salamat sa paghatid at sa pagkakataon na maipanalangin kita kahit sa maiksing oras. Godbless you more kuya Rico. Mabuhay ka!
All things work together for good!
- Romans 8:28