Marami ang humanga at naging usap - usapan sa social media ang isang 53- anyos na tatay na si tatay Bobby Espino dahil sa kan...
Marami ang humanga at naging usap - usapan sa social media ang isang 53- anyos na tatay na si tatay Bobby Espino dahil sa kanyang pagtitinda ng hotdog habang naglalakad sa mga kalsada ng Makati. Si tatay Bobby kasi ay isang stroke survivor at wala ring mahanap na trabaho ngayong pandemya, kaya nag apply na lamang sya sa isang private company na may proyektong "Walking Hotdog Project" at natanggap naman sya dito.
Bago pa magsimulang mag benta at mag tinda si tatay Bobby ay kailangan nya pang bumyahe nang mahigit sa tatlong oras dahil sa Caloocan pa sya nakatira. Sa kanyang pagtitinda ng hotdog ay bitbit nya sa kanyang katawan ang 9.5 kilos na lutuan pati narin ang mga hotdog, tinapay, pati narin ang mga sauce na ginagamit nya sa kanyang pagluluto at mga paninda.
Kada isang hotdog na maibebenta ni tatay Bobby ay mayroon syang P10.00 na komisyon. Dahilan naman ni tatay Bobby sa pag tanggap ng trabaho na ito kahit may banta sa kanyang kalusugan, ay dahil may sakit at kailangang umanong operahan ang kanyang asawa.
Pahayag ni tatay Bobby ay "Hindi ko rin alam [kung paano ko kinakaya]. Basta ang alam ko, gawin ko lang ang kaya ko,"